Biyernes, Marso 13, 2015

Lao Tzu: Ika'tlong lingguhang papel

Ano ang pilosopiya na ipinakita ni Lao Tzu sa sinaunang Tsinong pilosopiya sa kanyang pagpapakilala sa taong marunong?


            Ang pilosopiya na ipinakita ni Lao Tzu sa sinaunang Tsinong pilosopiya sa knyang pagpapakilala sa taong marunong  ay ang pagsasabuahay ng sarili sa kalikasan, ang pagsasabuhay ng sarili sa kalikasan ay ang pagtanggal ng natutunan sa isang kaalaman at hindi pagtanggap sa ano mang bagong kaalaman na magiging sanhi ng isang karamdaman. Sa pagtatangal ng kaalaman sa tao at pagsasabuhay niya sa kung ano ang likas ay isang paraang pagbabalik sa sarili upang malunasan ang karamdaman ng isang tao, sa pagkakataong ito kapag gumagawang isang desisyon ang taong marunong ay kanyang sinususpinde ang isang kaalaman at siya ay bumabaik sa kanyang orihina o ang likas. Papaano ba tinatanggal nga taong marunong ang kaalaman? Ang taong marunong ay sinususpinde ang mga bagay-bagay sa paraang pagninilay-nilay, gaya ng halambawa matapos niyang nasuspinde ang mga kaalamang ito pinagninilayan niya at siya ay bumabalik sa kanyang likas. Sa puntong ito, ang isang taong marunong ay isinasabuhay ang pagiging ignorante at ang buahay sa pagninilay.
        Lao Tzu: ikalawang lingguhang papel.

            Ano ang pilosopiya na ipinakita ni Lao Tzu sa sinaunang Tsinong Pilosopiya sa kanyang paglalahad ng kanyang mga solusyon?


            Ang pilosopiya na ipinakita ni Lao Tzu sa sinaunang Tsinong pilosopiya sa kanyang paglalahad ng mga solusyon ay ang paghubog ng tao sa paraan ng kalikasan, sa paraang paghubog ng tao sa kalikasan ay isang paraang pagbibigay lunas sa karamdaman na humahantong sa isang suliranin, sa ‘king nakaraang pakikipag diskurso, isang ideya ang waring bunubuo na ang walang katuturan sa pagigigng kontento ay nagapaparusa sa sarili. Sabahaging ito, ang paghubog sa tao sa paraan ng kalisan, ang kalikasan ay tumutukoy sa kung ano ang likas o ang kanyang pinagmulan sa simla’t sapul. Ang paghubog sa isang tao sa paraan ng kalikasan ay isang lunas sa naturang karamdaman na humahantong sa isang suliranin kapag di-nalunasan. Paano naihuhubog ng kalikasan ang tao? Nahuhubog ng kalikasn ang tao sa paraang ibinabaik ng tao ang kanyang sarili sa kung ano ang likas o sa kanyang pinagmulan. Halimbawa, bilang isang mag-aaral pumupunta ako sa paaralan upang matuto ito ay natural na bagay na ginagawa ng isang mag-aaaral, mag-aral upang matuto, ngunit ang ganitong pagkakataon ay di-nagiging natural kapag ang ginagawa ng estudyante ay hindi na pag-aaral. Sa pagkakataong ito nagkakaroon ng karamdaman ang mag-aaral dahil nababaling ang kanyang attensyon sa ibang bagay na di naayon sa kung ano likas na ang mag-aral upang matuto, kinalauna’y kinakailangang ibalik ng mag-aaral ang sarili kung ano ang kanyang pinunta sa paaralan. Sa puntong ito, naibabalik ng kalikasan ang isang bagay sa kanyang pinagmulan ang at pabalik sa kung ano ang kanyang pinagmulan.
Lao Tzu: Unang lingguhang papel
  1. What is philosophy as demonstrated in Ancient Chinese Philosophy in the way he perceives the philosophical problem?
 Ano pilosopiya na ipinakita sa Sinaung Tsinong Pilosopiya ni Lao Tzu sa paglalahad niya ng mga pilosopikong suliranin?


            Ang pilosopiya na ipinakita sa sinaunang Tsinong pilosopiya ni Lao Tzu, sa kanyang paglalahad sa mga pilosopikong suliranin ay ang pagkamulat ng isa upang makita ang karamdaman ng tao na humahantong sa isang suliranin kapag itoy hindi nalapatan ng lunas o nabigyang solusyon.  Ang isang karamdaman ay tumutukoy sa isang di mabuting pakiramdam ng isa na nagdudulot ng sakit, at mapapansin ang naturang karamdaman sa mga sintomas nito. Nagiging isang suliranin sa hinaharap ang isang karamdaman kapag ito’y di-nalapatan ng sapat at mabisang gamot o medisina na siyang lulunas sa isang karamdaman. Ang kamulatan ng isa sa mga kaguluhan na dahilan ay ang karamdaman na nagpapahirap sa tao. Sa puntong ito, ano nga ba ang pinagmulan ng karamdamang ito at nagiging suliranin sa hinaharap at nagiging sanhi ng paghihirap ng tao? Kapag ang tao’y naghahangad ng labis para sa isang bagay, kanyang gagawin ang lahat upang makuha lamang ito, sa ganitong pananaw ang tao’y hindi nakokontento sa kung ano ang nasa kanyang hapag, siya’y magkakandakuba sa paghahanap ng paraan upang makamit lamang kanyang hinahangad. Sa puntong ito, ang labis na paghahangad sa isang bagay ay isa sa nagpapahirap sa tao. Isang halimbawa nito ay ang paghahangad ng kaalam, kapag ang tao’y naghahangad na maging marunong, kanyang sisikaping malaman ang lahat ng bagay upang msabing siya ay marunong, ngunit sa kanyang pananaliksik kinalauna’y sa kanyang mga nasaliksik siya ay malilito, sa isang katuturang habang natutuklasan niya ang isang sagot sa kanyang katanungan mayroong mga tanong na lumilitaw, nagiging suliranin ito sa hinaharap kapag ang tao'y walang katuturan ng pagigigng kontento hanggang sa siya'y makakagawa ng di mabuti sa kanyang kapwa, sa puntong ito’y ang mananaliksik ay pinaparusahan an gang kanyang sarili sa kanyang labis na paghahangad 

Martes, Marso 10, 2015

Ika-10 ng Marso taong 2015

The Tao is an empty vessel; it is used, but never filled. ! (Tao Te Ching 4:1)


            Sinasabi na ang Tao ay waring isang mangkok, ito’y ginagamit, ngunit hindi ito napupuno at ito ay pinagmulan ng lahat. Ang Tao ay isng mangkok na isang sisidlan ng isang inumin, sinusunod ng inumin ang porma at hulma ng isang mangkok at magiging isa sa mangkok. Sa puntong ito, mahahalintulad ko ang tao bilang isang  inumin na nasa loob ng mangkokol, sa isang pagkakataon ito kapag nilagay ang inumin sa isang mangkok, hindi bat’t nasusunod ang porma at hulma ng inumin ? Gayun din sa tao, waring nakadepende ang tao sa Tao, na siyang humuhubog sa tao at kanyang ginagabayan, sa puntong ito masasabi natin na ang Tao ay may sariling kalikasan na siayng humuhubog sa tao.  

Lunes, Marso 9, 2015

Ika-9 ng Marso taong 2015

Under heaven all can see beauty as beauty only because there is ugliness.
All can know good as good only because there is evil. (Tao Te Ching 2: 1-2)


            Sa prinsipyong ito, ang magkasalungat ay waring kumikilos o nagtutulungan upang magkaroon ng kaayusan o kaisahan (harmony), sa paraang malalaman ng tao kung ano ang sadyang kaaya-aya kung ihahambing sa kapangitan at kung ano ang mabuti at masama. Sa pagkakataong ito, kapag alam ng tao ang pagkakaiba ng dalawang bagay ay siya ay kalian ma’y di malilito. Halimbawa, ang taong mangmang ay naguguluhan sa dalawang bagay na halos magkaiba, siya ay magtataka at maguguluhan, at maghahanap ng paraan upang lubusang maunawaan ang dalawang bagay na umaalibadbad sa’kanya.  Kapag iminulata niya ang isipan sa pangyayaring iyon, ay makikita niya ang pagakakaiba ng dalawang bagay, mapapansin niyang mayroong kaibahan sa dal’wang bagay. Sa puntong ito, masasabi kong, ang magkasalungat ay nakakatutulong pagkamulat ng tao.

Huwebes, Marso 5, 2015

Ika-5 ng Marso taong 2015

When men lack a sense of awe, there will be disaster.
Do not intrude in their homes.
Do not harass them at work.
If you do not interfere, they will not weary of you.
Therefore the sage knows himself but makes no show,
Has self-respect but is not arrogant.
He lets go of that and chooses this.( Tao Te Ching 72)

            Sa pahayag na ito’y, masasaksihan ang nararapat gawin ng isang pinuno sa kanyang mga nasasakupan. Ang isang pinuno ay nararapat na hayaan lamang ang kanyang mga nasasakuopan na gawin ang kanilang mga ginagawa sa pangaraw-araw na ginagawa, sa paraang ito hindi sila mapapagod sa kakasunod sa mg autos ng isang pinuno. Kapag ang isang pinono’y hindi naki-alam sa bawat gawain ng kanyang nasasakupan ay tiyak na sila’y magrerebelde laban sa isang mamumuno. Mahahalintulad rin ito sa mga langgam, kapg sinubukang bulabugin ang mga langgam sa kanilang ginagawa ay maaring kakagatin nito ang sino man ang bumulabog sa kanila. Ngunit kung sa ganitong paraan ng pamumuno, hindi ba’t hindi ito kaaya-aya kung ang ginagawa ng mga nasasakupa’y di’mabuti?


Miyerkules, Marso 4, 2015

ika-4 ng Marso taong 2015


The highest good is like water.
Water give life to the ten thousand things and does not strive.
It flows in places men reject and so is like the Tao.
In dwelling, be close to the land.
In meditation, go deep in the heart.
In dealing with others, be gentle and kind.
In speech, be true.
In ruling, be just.
In daily life, be competent.
In action, be aware of the time and the season.(Tao Te Ching 8)

                 Ayon sa doktrina ng Tao Te Ching, sinasbi na ang nakakataas na mabuti ay waring isang tubig, sapagkat kumikilos ang tao tulad ng isang tubig, nagbibigay buhay sa mga bagay, waring biibigyang turing ang mga bagay na kapag dumaloy sa isang bagy ay nabibigyan niya ito ng buhay.Ang tubig ay dumadaloy sa agos, kadalasan ang tubg ay nasa ibaba upang maranasan ang pamumuhay ng nasa ibaba, ang tao;y malumanay kung kumilos gaya ng isang tubig, payapa at walng kakabkaba.

Martes, Marso 3, 2015


ika- 3 ng Marso taong 2015


                                                                                                     * Translated by Gia-fu Feng and Jane
In caring for others and serving heaven,
There is nothing like using restraint.
Restraint begins with giving up one's own ideas.
This depends on Virtue gathered in the past.
If there is a good store of Virtue, then nothing is impossible.
If nothing is impossible, then there are no limits.
If a man knows no limits, then he is fit to be a ruler.
The mother principle of ruling holds good for a long time.
This is called having deep roots and a firm foundation,
The Tao of long life and eternal vision. (Tao Te Ching 59)


               Sa paglilingkod sa bayan at sa tao'y hindi nangangailangan ng kalinga, lalo lamang magigipit ang siyang pinaglilingkuran. Kapag naki-alam ang isang pinuno sa plano ng kanyang nasasakupan ay hahantong sa kawalang silbi ng isang nasasasakupan, Sa puntong ito, nawawalan ng laya ang sino mang mayroong planong umunlan ang sino man sapagkat napipigilan ng isang pinuno ang mga pangyayari, sa paraang ito, nanghihimasok na ang pinuno sa plano ng isang indibiduwal.

Biyernes, Pebrero 27, 2015

Ika-27 Pebrero taong 2015

Empty yourself of everything.
Let the mind become still.
The ten thousand things rise and fall while the Self watches their return.
They grow and flourish and then return to the source. (Tao Te Ching 16:1-4)
                                                                           * Translated by Gia-fu Feng and Jane English

                 Paano nga ba natutuklasan ang mga ideya o kaalaman? Ayon sa pahayag na nakasaad ay sinasabi na ang mga ideya o mga kaalaman ay natutuklasan sa paraang pagninilay, sa pagninilay ay winawaglit ang mga bagay-bagay upang pagtounang pansin ang mga bagay –bagay na pinagninilayan. Sa paraang pagninilay ay nangangailangan ng tahimik at payapang isipan upang maka-pagisip ng mabuti. Ang pagninilay ay nakakatulong sa panahong nangangailangan ng masinsihang pag-iisip kung ano ang tama sa mali. Halimbawa sa’king karanasang pagpili sa naisip ng mga solusyon, sa puntong ito’y naipapakita ang pagninilay ay isang mabuting paraan upang malaman ang katotohanan.





Miyerkules, Pebrero 25, 2015



ika-25 ng Pebrero taong 2015
                                                                                  * Translated by Gia-fu Feng and Jane English
If men are not afraid to die,
It is no avail to threaten them with death.
If men live in constant fear of dying,
And if breaking the law means that a man will be killed,
Who will dare to break the law? (Tao Te Ching 74)

            Sinasabi na ang kamatayan ay kailan ma'y di'maiiwasan at di'mapipigilan nino man, ang kamatayan ay nasa kalikasan ng tao at lahat ng bagay na nabubuhay sa mundo, kung gayon ang kamantayan ay isang batas ng kalikasan. Sa kasalukuyan ang kamatayan ng tao'y isang pangyayaring kinakatakutan dahil ang mamamatay ay lilisan at iiwan ang kanilang mga mahal sa buhay, gayun din sa pananaw sa mga taong iniwan ng mga namatay. Kung ang kamatayan ay isang batas ng kalikasan at nasa kalikasan na ng isang bagay na nabubuhay na pumanay ibig sabihin ay hindi nararapat kinatakutan ang kamatayan dahil ito ay likas na sa tao at siyang pangyayari rin ang patutunguhan ng lahat.

Martes, Pebrero 24, 2015


ika-24 ng Pebrero taong 2015

Ruling the country is like cooking a small fish. (Tao Te Ching 60:1)

Ang pamumuno ay tulad ng pagluluto ng isang maliit na isda, sa pagpiprito ng isda tulad ng galung-gong na maselan kung lutuin ay tulad rin sa pamumuno, ayon pa sa’king guro sa sinaunang Tsinong Pilosopiya, kapag masyadong pinakealaman ang piniprito unti-unting nadudurog ang katawan nito at sa huli’y wala kanang makakain. Sa puntong ito, paano ba ang kalabisan na pangingi-alam nagdudulot ng kasamaan? Tulad sa pagwawaring nabanggit, ang kalabisan sa pangingi-alam ng isang pinuno sa kanyang nasasakupan ay maaring magdulot ng kapahamakan. Kapag masyadong naki-alam ang pamahalaan sa kanyang nasasakupan, hindi ba’t panghihimasok na ang pangyayari.



Lunes, Pebrero 23, 2015


ika-23 ng Pebrero taong 2015

When one desires to take over an empire and act on it (interfere with it),
I see that he will not succeed.
The empire is a spiritual thing, and should not be acted on.
He who acts on it harms it.
He who holds on to it loses it.(Tao Te Ching, 29:1-5)

Sa pahayag na nakasaad, kung sino man ang naghahangad na mamuno sa isang kaharian ay hindi kailan man magtatagumpay sa kanyang ninanais na hangarin, sapagkat ang naturang na kaharian ay may sariling kaluluwa at kailan man ay di'mamamanipula. Sa pagwawari, sa panliligaw ang sinisinta ay gaya rin ng isang kaharian, ito ay may saring mga pamamaraan o pamumuhay, kapag ang nagmamahal ay gumawa ng kilos na hindi naayon sa kalikasan ng isang sinisinta, ay tiyak masisira ang kanialang pagkakaibigan, at kapag lubusang hinawakan naman ng mangingibig ang sinisinta ay masasakal ang iniirog at tuluyang lalayo sa kanyang piling. Gayun din sa isang kaharian, ang kaharian ay may sariling pamamaraan sa buhay kapag kumilos ang sino mang naghahangad sa kapangyarihan na di naaayon sa kalikasan ng kaharian ay tiyak di amgwawagi sa pamumuno.

Biyernes, Pebrero 20, 2015


ika-20 ng Pebrero taong 2015
                                                                              * Translated by Gia-fu Feng and Jane English
                                                                                 from:http://terebess.hu/english/tao/gia.html#Kap03
The more laws and restrictions there are,
The poorer people become.
The sharper men's weapons,
The more trouble in the land.
The more ingenious and clever men are,
The more strange things happen.
The more rules and regulations,
The more thieves and robbers.(Tao Te Ching 57:7-13)

                    Sa pahayag na ito'y naisasalaysay ang kalabisan sa isang kaalama'y mayroong di'mabuting maidududlot. Sa pahayag na ito'y makikita ang kalabisan sa kaalaman ng isang mamumuno sa kanyang nasasakupan, katulad nalamang nang pagpapatupad ng mga batas na alam niyang kailangan ng bansa ngunit hindi naman ng mga tao, halimbawa'y pagpapalago sa ekonomiya sa paraang turismo, ang pagsasabatas sa pagpapakasal sa magkaparehing uri (same sex marriage). Kapag naging isang batas ang ideyang ito na sinasabing naglalayong mapaunlad ang ekonomiya sa larangan ng turismo, sapagkat marming mga dayuhang ninanais maikasal sa kaparehong uri. Sa puntong ito, naisasantabi ang nararapat at pinapalabis ang di'nararapat para sa madlang nasasakupan.


Huwebes, Pebrero 19, 2015


Ika- 19 ng Pebrero taong 2015

Not exalting the gifted prevents quarreling. 
Not collecting treasures prevents stealing.
Not seeing desirable things prevents confusion of the heart.
The wise therefore rule by emptying hearts and stuffing bellies, by weakening ambitions and strengthening bones.
If men lack knowledge and desire, then clever people will not try to interfere.
If nothing is done, then all will be well. (Tao Te Ching 3)
                                                                        *Translated by Gia-fu Feng and Jane English
                                                                                                from:http://terebess.hu/english/tao/gia.html#Kap03

            Ang pahayag ay nagsasalamin sa kasalukuyang kondisyon ng isang institusyon sa lipunan na tinatawag nating gobyerno o pamahalaan, sa puntong ito tumutukoy ang pahayag sa mga opisyal ng pamahalaan na namumuno sa isang bansa, lungsod, probinsya, o kahit sa baranggay. Sa isang pamahalaan kanya-kanyang pagpapasikat o “papogi” ang ginagawa dahil sila raw ay may nagawang mabuti at waring sinasamba naman ang mga pulitikong ito ng ng kanilang mga tagasoprta dinudumog ng mga mamahayag upang ihayag ang nagawang mabuti, yung iba nama’y hindi natutuwa sapagkat sa nagseselos sa natatamasang kasikatang ng ibang pulitiko. Mayroon ding mga politikong naging gahaman sa pera upang mabingyang pansin ang pansariling interes at ang mas malubha pa’y nalulong sa pagnanakaw ng kaban ng bayan at humahantong sa kahirapan ng bayan. Nagagawang magnakaw ng isang mamumuno sa kaban ay dahil siya ay may mga pansariling ninanais na hindi naman makakatulong sa pag-unlad ng bayan, sa puntong ito nabubulag at nabibingi na ang isang mamumuno sa kanyang nasasakupan para lamang matustusang ang kanyang pansariling ninanais. Kung isusumatotal ang ganitong klaseng pamumuno sa isang bayan sa paraang pagiging arogante sa kanyang mga nagawa, gahaman sa yaman ng bayan, at pagiging bulag at bingi sa kinalalagyan ng kanyang nasasakupan ay nagpapakita lamang ng isang uri na mamumuno na nabubuhay sa kawalan ng puso at kabusugan sa material na yaman.
            Paano kaya mawawala ganitong pag-iisip sa mga mamumuno?  Sabi ni Lao Tzu’y  ang kawalan ng kaalama’y magpapatigil sa pangingi-alam ng pulitikong kumikimkim ng pansarilng interes at naglalayong gawin kapag siya ay nailuk-lok sa tungkulin. Ang kawalan ang kaalaman sa mga pansariling mga ninanais na tumatakip sa tenga at mata ng mga mamumuno na humahadlang para sila’y MAGLINGKOD sa kanilang nasasakupan. Kaya nga’y TAGALINGKOD ang tawag sa mga mamummuno ay dahil sila ang inatasan ng taong bayang magserbisyo at magbigay ng karampatang tulong sa mga nangangailangan, hindi ang isang terminong tumutukoy sa nakaupong mamumuno na taga-LINGKOD.
           
           
                   

                     









Miyerkules, Pebrero 18, 2015

ika-18 ng Pebrero taong 2015
(Government of Non-Interference)

Pamahalaang hindi nangingi-alam

              Ang pamahalaan ay isang instutusyon ng lipunan na naglalayong maglingkod at maging isang sandalan ng kanyang nasasakupan, sa paraan nang pagpapatupad ng mga batas na siyang gumagabay sa mga taong kanyang pinaglilingkuran, Ngunit sa sa bahaging ito, binibigyang diin ni Lao Tzu ang pamahalaang hindi nakiki-alam sa kanyang nasasakupan, kung pagbabasehan ang adhikain ng pamahalaan na siyang naglalayong pagsilbihan ang kanyang nasasakupan sa paraan ng pagpapatupad ng batas upang magampanan ang naturang tungkulin, ay hindi naman magiging dahilan ng pagkalugmok sa kahrapan at magdulot ng kapahamakan sa halip ay magbubunga ito ng kasaganahan, ikalalago at iuusbong ng bansa. Pagkaisipin wala namang atang dapat ika bahala kung makikialama ng pamahalaan sa kanyang nasasakupan kung ang kanyang layunin ay mabuti. Sa'king palagay kung bakit, binibigyang diin ni Lao Tzu ang Pamahalaang hindi nangingi-alam ay maaring dahil narin sa intensyong nitong di'mabuti. Kung iisipin nga naman, hahayaan ba nating manghimasok ang taong may masamang binabalak?


Martes, Pebrero 17, 2015

ika-17 ng Pebrero taong 2015

In ancient times those who practiced Tao well
Did not seek to enlighten the people, but to make them ignorant.  (Tao Te Ching, 65:1-2)

              Sa puntong ito ang Tao ay isang prinsipyo na ginagawa ng isang tao, ang prinsipyong ito ay naglalayong tauruan ang taong maging isang ignorante at hindi isang kaliwanagan sa mundo. Ignorante, sa puntong hinuhubaran ang isipan ng tao, hinuhubaran sa puntong binabaklas ng Tao ang naunanang palagay sa mga bagay-bagay o sa isang kaalaman. Ang Tao ay hindi nagtuturo kung paano magbigay kaalaman o liwanag sa mundo, sapagkat sa simula't sapul wlang alam ang tao, ang tao'y naka depende sa isang pinanggalingan at siya ring kanyang babalikan.

Biyernes, Pebrero 13, 2015

ika-13 ng Pebrero taong 2015

He who knows does not speak.
He who speaks does not know. (Tao Te Ching, 56:1-2)

               Sa pahayg na ito ay naalala ko ang isang talinhaga patunkol sa 2 uri ng lata, yung mayroong laman at walang laman, kapag itinapon mo ang latang walang laman ay lumilikha ito ng ingay na nakakairita, at kapag itinapon naman ang latang may laman lumilkha ito ng hindi gaanong kalakasang ingay kung ikukumpara sa latang walang laman. Ang taong nagmamarunong ngunit hindi naman niya alam ang kanyang pinagsasabi at kung minsan siya pa ang maraming sinasabi at kung minsan ay nakakainis na, habang ang taong may alam sa isang bagay ay kung minsan siya pa ang tahimik ang nagmamasid lamang sa tabi. 

Huwebes, Pebrero 12, 2015

ika-12 ng Pebrero taong 2015


To know that you do not know is the best.
To pretend to know when you do not know is a disease.
Only when one recognizes this disease as a disease can one be free from the disease.
The sage is free from the disease.
Because he recognizes this disease to be disease, he is free from it. (Tao Te Ching, 71)

                        Ang pahayag ay nagpapa-alala sa'kin ng "Socratic Wisdom", na laging nagpapa-alala sa'kin na maging ignorante at wag maging isang tanga. Ignorante, ang terminong ignorante ay tumutukoy sa kakulangan ng katalinuhan at hindi sa kawalan ng paniniwala. Sa'king pagninilay, ay napagtanto kong ang pgiging ignorante na tumutukoy sa kakulangan ng kaalaman ay may naidudulot na mabuti sa isang tao. Tinuturuan ang taong maging mapanuri sa mga bagong bagay-bagay at maging metikoloso sa mga natutuklasang detalye. Ang pagiging ignorante rin ay tinuturuan ang tao maging matapang upang humarap sa katotohanang hindi niya alam ang isang bagay. Tanga, bakit naging tanga? Ang terminong "tanga" ay hiniram ko kay Fr. Roque Ferriols buhat narin nabanggit ito ng aking guro sa sinaunang Griyegong pilosopiya na si ginuong Matalam. Noong narinig ko ang terminong tanga ayon kay Ferriols, ay napagtanto kong tanga nga naman taong nagsasabi na alam niya ngunit hindi niya pala alam at ito ay magiging isang kanser na unti-unting sisira sa tao.

Miyerkules, Pebrero 11, 2015

ika-11 ng Pebrero taong 2015

To hold and fill to overflowing
            Is not as good as to stop in time.(Tao Te Ching, 9:1-8)


                  Isang prinsipyo nanaman ang nagpapatunay na ang kalabisan sa isang bagay ay humahantong lamang sa kawalan. 
                                    " To hold and fill to overflowing
                                                  Is not as good as to stop in time."
Kung ipagpapalagay na ang naturang pahayag ay ating ihahambing sa paglalagay ng inumin sa isang mangkok, kahit ano mang pilit o pagpupursigi upang mapuno ang magkok ng inumin ay mayroon taliwas na pangyayari na nagaganap. Kapag ibinuhos ang inumin sa mangkok ay unti-unti itong napupuno, kapag ito ay napuno na ay dahan-dahan itong aapaw, at ang naturong inumin ay masasayang. Sa aking karanasan, sa tuwing magsisimula na akong maginsayo sa Taekwondo, ay nagkakaroon kami ng dalawampung minuto upang mag "meditate" upang kalimutan ang mga bagay-bagay na hindi kinakailangan sa Taekwondo, sa paraang ito, hinahayaan ang "kaluluwa" ng Taewondo na maging isa kami sa oras ng pag-iinsayo. Sa puntong ito hindi ba't nasasayang ang mga kaalaman ko sa ibang bagay na walang kinalaman sa Taekwondo? Sa kasalukuyang panahon ayon sa aking obserbasyon, ay madalas nalilimutan na nating tumigil ng panandalian dahil marami tayong gusto o kinakailangan, at upang maabot o makuha natin ang ating mga gusto o mga kinakailangan ay minamadali natin ang mga bagay-bagay dahil naniniwala tayo kapag nagawa natin ng mabilis ay siguradong marami tayong matatapos at magagampanan. Minsan ay kailangan din nating huminto ng panandalian at pagnilayan, kung ang ating mga ginagawa ay napupunta ba sa wala.


                                        
Lingguhang Papel sa Sinaunang Tsinong Pilosopiya:(huling pagpasa)
Ano ang  pilosopiya sa sinaunang tsinong pilosopiya sa paraan kung paano inilahad ang mga nabuong solusyon ng Tawismo?

            Ang Tawismo (Taoism) ay naiiba at kung minsan pa ay taliwas pa sa aking paniniwala, ayon sa Taowismo, sinasabi na ang Tawismo ay isang paraan ng pamumuhay ng isang tao sa mundong ibabaw at ang Tao ay siyang naglalahad ng mga kinaugaliang prinsipyo upang masolusyunan ang mga suliraning nagugat sa kaliksan o sa loob ng isang sarili. Ayon sa Tawismo kinakailangang isaisip ng tao ang Tao bilang isang paraan ng pamumuhay ng isang tao, at masolusyunan ang suliranin sa kalikasan ng tao. Ayon sa Tawismo nararapat na maunawaan rin ng lubusan ng tao ang Tao, upang maintindihan ang mga ito, inilahad ng Tawismo ang mga nabuong solusyon sa suliranin ukol sa kalikasan ng sarili. Ang kataliwasan ng Tao ay sumasangayon sa isa’t-isa, ang Tao ay ang pinagmulan, ang katotohanan ng Tao, at ang pagpapahayag ng Tao.
            Ang kataliwasan ng Tao,  sinasabi na kapag ang dlawang bagay ay taliwas ay ibig-sabihn ay magkaiba, magkasalunat, o hindi sa pagsasang-ayon. Ayon sa Tawismo ang kataliwasan ay siyang tumutukoy sa kung ano ang ano halimbawa, malalaman ng tao kung ano ang tama sa mali, ang maganda, sa pangit at iba pa, natutukoy ng tao ang alin sa alin sapagkat alam niyang iba ang iba sa iba. Paano ito naging isang solusyon? Nagiging solusyon ang kataliwasan sa isang suliranin kapag natutukoy ng tao ang tama sa mali, ang mabuti sa masma, at ang maganda sa pangit, ngunit naka depende parin kung papaano niya ito matutuonan ng pansin.
            Ang Tao ay ang pinagmulan, sinasabi na ang Tao ay walang simula at walang katapusan, ang Tao ay laging gumagalaw kasabay ng panahon, ibigsabihin ang Tao ay laging andito sa kasalukuyan kasama natin o sa hinaharap kasama ng ating mga anak o mga apo, ang Tao ay laging nakaantabay sa’tin. Sa puntong ito, paano ito nakakaresolba ng suliranin ng kalikasan ng tao? Nakakaresolba ito sa suliranin sa kalikasan ng tao, sa pagsasaisip n gang Tao ay nasa lahat, sa puntong ito, waring ang Tao ay isang Diyos na kung saan ay makikita maging sa kasalukuyan o sa hinaharap man.
            Ang katotohanan ng Tao, ay parang isang walang lamang mangkok ngunit ito ay pinagmulan ng mga bagay-bagay. Sa puntong ito ang Tao ay waring isang Diyos. Paano ba ang kawalan at pinagmulan ay naging isang sulosyon ng suliranin? Nagiging solusyon ang isang suliranin sa pagsasaisip na kahit ang Diyos ay hindi mahahawakan o madarama ng balat-sa-balat ay tatandaan o dapat ay isaisip mayroong Diyos sa kabila ng kanyang kawalan (in-flesh)  ng katawan ay siya ay pinagmulan ng mga dakilang bagay.
            Ang pagpapahayag ng Tao, ang Tao ay mapagkumbaba, sa puntong ito ang Tao ay isang birtud na dapat ay umiiral sa isapan ng isang tao. Paano ba ito nagiging solusyon sa suliranin sa kalikasan ng tao? Nagiging solusyon ito sa paraan ng pagiging isang tubig, ayon sa aking propesor sa asignaturang ito, ang pinakamalumanay sa mundo ay may kakayahang putulin ang isang asero, hindi ba’t ang tubig ay isang malumanay na bagay sa mundo, at ayon rin sa aking napanood sa isang programa ang tubig nga ay ginagamit sa isang pagawaan ng mga bagay na gawa sa asero upang mahati o putulin ang asero. Sa puntong ito, kung ang tubig ay kumakatawan sa kababaang loob at ang asero naman ay tumutukoy sa isang suliranin, kaya masasabi nating ang kababang loob ay isang paraan upang masulusyunan ang suliranin sa kalikasan ng tao.

            Kung isasaisip ang mga naturang solusyon, na nabuo ng Tawsimo ay maaring masulusyunan ang suliraning tumutukoy sa kalikasan ng tao. Ngunit sa puntong ito ano ang pilosopiya, ayon sa mga nailahad na mga solusyon ng Tawismo, ang pilosopiya ay lahat o ang mundo, ang pilosopiya ay nasa mundo ang pilosopiya ay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay, ang pamimilosopiya ay ang pagtukoy sa kung ano ang tama sa mali, ang pamimilosopiya ay walang simula at walang katapusan dahail ang pilosopiya ay nasa mundo at gumagalaw ito kasabay ng panahon. At sng pamimilosopiya ay isang malumanay na paraan upang mahanap ang katotohanan. Kung gayon, ang Tao ba ay pilosopiya?

Martes, Pebrero 10, 2015

Ika-10 ng Pebrero taong 2015

The five colors cause one’s eyes to be blind.
The five tones cause one’s ears to be deaf.
The five flavors cause one’s palate to be spoiled.
Racing and hunting cause one’s mind to be mad.
Goods that are hard to get injure one’s activities.
For this reason the sage is concerned with the belly and not the eyes.
Therefore he rejects the one but accepts the other.  (Tao Te Ching, 12)


            Sinasabi na ang kaalaman ay siyang susi sa kaunlaran at nararapat lamang na palagoin ang nasabing kaalaman ngunit taliwas ito sa aking interpretasyon sa isang prinsipyo, sinasabi naang kalabisan sa isang bagay ay di’mabuti. Tulad nalamang sa panlasa di’nakakabuti ang labis na liwanag sa mata, ang labis na tunog ay nakakabingi, ang labis na lasa ay maglalasang panis, at iba pa. Maaring ang mahahalintulad ang kaalaman sa bagay na kapag ay naging sobra ay di nakakabuti sa tao, dahil ang taong may labis na nakaalaman ay hahantong sa katangahan. Hindi ba’t mas mainam na ang tao’y isang umiirog sa kaalaman at hindi isang nagmamay-ari ng kaalaman? Sapagkat magiging tanga sa katotohanan ang taong iyon ay hindi alam ang lahat ng bagay at hindi niya mahahawakan ang kaalaman, dahil maraming kaalaman sa mundo na maaring matutunan, at kinakailangan ng taong magbawas ng kaalaman upang matuto. 

Miyerkules, Pebrero 4, 2015

ika-4 ng Pebrero taong 2014

The sage manages affairs without action (wu-wei)
And spreads doctrines without words.(Tao Te Ching, 2:1-2)

          Ang isang taong marunong ay nakakapangasiwa kahit walang kilos at nagpapalaganap ng doktrina kahit walang salita. Paano ba makakapangasiwa ng mabuti sa kawalan ng kilos? Paano ba napapahayag ang doktrina sa kawalan ng mga salita? Sa'king pananaw, mukhang mahirap o imposible ang makakagawa o tutugunan ang isang gawain kapag ang tao'y hindi kikilos o magsasalita. Ngunit matapos kong pagnilayan ang pahayag, ay naisip kong, hindi kaya ang dahilan kung bakit hindi na kailangang kumilos ang isang taong marunong ay nasa kanyang sarili ang gawain o likas na sa kanya  ang isang gawain upang kumilos o magsalita ng naayon? At ang kawalan ng kilos o salita na ipinapahayag ng TTC, 2:1-2 ay tumutukoy sa kawalang pangagailanagan ng hugot sa isang gawain dahil ay naging likas na ito sa'kanya. Halimbawa nalamang noong ako'y nagsasanay palamang sa Taekwondo ay hindi ako gaanong nahihirapang sundin ang "basic" na mga porma, sipa, suntok, at pagprotekta sa sarili gamit lamang ang mga kamay, dahil bago paman ako nagsanay sa Teakwondo ay tinuturuan ako ang aking ama sa mga pangunahing gawain sa martial arts, sa puntong ito masasabi nating maaring hindi na nangangailangan ng "hugot" o "effort" sa isang tao sa isang gawain kapag ang gawaing ito'y isang likas sa tao.

Martes, Pebrero 3, 2015

ika-3 ng Pebrero taong 2015
(Walang Kaalaman, Walang Ninanais)

One may know the world without going out of doors.
One may see the Way of Heaven without looking through the windows.
The further one goes, the less one knows.
Therefore the sage knows without going about,
Understands without seeing,
And accomplishes without any action. (Tao Te Ching, 47)

              Sinasabi na ang kaalaman ay hindi lamang umiikot sa apat na sulok ng silid gayun man ang kaalaman ay umiikot rin sa labas ng silid, upang maging buo ang pagigigng kaalaman ng isang bagay sa isang tao, at kung malayo naman ang tatahakin ng tao ay mas matatayog naman na kaalaman ang kanyang masasalubong, maiintindihan at mauunawaan ang mga pangyayari, at masasabi lamang sa sarili na siya ay natuto na. Pahayag naman sa TTC Blg. 47 ay isang taliwas sa nakasanayang ideya  ng isang taong marunong sa paniniwala kung paano natututo, Sinasabi na hindi kinakailangang lumabas upang matuto, at kung ang tao ma'y lumabas, kung gaano kalayo kung siya'y lumayo ay sin'liit rin nito ang kanyang matutunan, mas malilito ang tao, at masasabing wala siyang matutunan.

               Sa'king pagninilay-nilay ay maari nating turingin ang kalabisan sa kaalaman ay isang kasamaan, hindi'ba't ang kalabisan sa isang bagay ay nagdudulot ng di'mabuti? Ang kalabisan sa kaalaman man ay may naidudulot na kasamaan sa sarili, kapag ang tao'y naging isang arogante matapos siyang matuto, masyado niyang naipagmamalaki ang kanyang kaalaman na kung minsan pa nga ay nakakapanakit na sa iba. Halimbawa nalamang sa aking karansan, ay naranasan ko nang maging arogante pakiramdam kong alam ko na ang dapat kong malaman sa larangan ng palakasan sa Taekwondo dahil natanggap ko na ang aking promosyon bilang isang black belter. Sa isang torneyo, para sa gintong medalya ako'y may nakaharap isa ring blak belter kung tawagin, ibig sabihin ay may ibubuga rin ngunit sa aking isipan siya ay parang abo lamang walang iba-batbat sa'kin, nang simula ang laro ay naging kompyansa ako naging arogante at minaliit ang kanyang kakayahan, sa kalagitnaan ay napapansin kong unti-unti na niya akong nauunahan sa puntos, hanggang matapos ang laro ay nabigla nalamang ako sa resulta ako ay talo. Sa isinalaysay na halimbawa,masasabi kong nakasakit ako ng damdamin ng iba dahil minaliit ko ang kanyang kakayahaan upang ako'y labanan gayun din sa sarili "nagigisa sa sariling mga mantika" ang sarili kapag siya'y naging arogante at mapagmataas. Sa ganitong pananaw, makikita na ang sobrang kaalaman sa isang bagay ay kung minsan ay may naidudulot na di'mabuti.

Lunes, Pebrero 2, 2015

ika-2 ng Pebrero taong 2015
(Walang kaalaman, walang pagnanais)

The sage places himself in the background, but finds himself in the foreground.
He puts himself away, and yet he always remains.
Is it not because he has no personal interests?
This is the reason why his personal interests are fulfilled. (Tao Te Ching, 7)

             Sinasabi na ang isang taong marunong ay ikinukubli ang sarili sa karamihan, pero nakikita ng karamihan, ibig sabihin ay, ang taong marunong ay nagtataglay ng kababaang loob hindi niya hinahayaan ang sarili na magpapansin ngunit hidi niya inaasahan na siya ay mapapansin. Ayon din sa pahayag ang taong marunong ay inilalayo ang sarili ngunit lagi siyang nanatili. Ano kaya ang knayang inilalayo sa sarili at napapanatili niya ang kanyang sarili, hindi kaya'y mga materiyal na bagay? Ang mga material na mga bagay ay parang nagpapabago sa'tin sa aspetong pisikal, emosyonal, spiritual, o maging mental, napapabago ng materiyal na bagay ang tao sa paraan ng pamumuhay ngunit may mga bagay na sumisira sa tao tulad ng mga bagay na gusto o mga ninanais o maari nating tawagin na mga luho. Naiiba ang taong marunong, sa halip na siya ay madala sa mga luho ay kanya itong inilalayo sa sarili at pinapanatili ang sarili sa mga bagay na kung ano lamng ang higit na kailangan. Ang mga luho ba isa sa mga layunin ng isang taong marunong? Sa aking pananaw ay hindi, ang luho ay hindi nagiging pangunahing layunin ng taong marunong sapagkat alam niyang walang maidudulot na mabuti ang isang bagay na isang ninanais o luho, kaya inilalayo ng taong marunong ang mga ganitong bagay, at ito ang magiging dahilan ng kanyang kasiyahan.

Biyernes, Enero 30, 2015

ika-30 ng Enero Taong 2015

The best (man) is like water.(Tao Te Ching, 8:1)

                 Ang tao ay parang isang tubig walang tiyak na hugis, at ang Tao ay isang sisidlan tulad ng isang mangkok, na siyang sininidlan ng tubig. Kung ang tubig ay walng tiyak na hugis at kapag ito'y naipasok sa mangkok, ang tubig ngayon ay gumagalaw at umaayon sa hugis ng sisidlan at unti-unting tatahan sa loob ng mangkok. Gayun din sa tao, kung wala ang Tao, ay waring magiging walang say-say din ang tao na siyang naka depende sa Tao upang siya ay hubigi, ngunit nangagailangan din na ang tao ay kumilos upang mahubog at pumasok sa sisidlang upang maging isa sa Tao.
ika-29 ng Enero taong 2015


Tao is the storehouse of all things.
It is the good man’s treasure and the bad man’s refuge. (Tao Te Ching, 62:1-2)

                   Ang Tao ay isang bodega ng lahat ng bagay, ito'y naging isang kayamanan ng butihing tao at nagiging kanlungan ng taong nagdurusa sa isang karamdaman. Ano nga ba ang isang bagay na isang kayaman sa taong mabuti at isang kanlungan sa taong nagdurusa? Hindi kaya'y puso, kung ang puso'y isang bagay na tinuturing ng isang mabuting tao bilang kayamanan at ito rin ang tinuturing bilang isang kanlungan ng taong nagdurusa. Dahil ang puso ay nagtataglay ng kabutihan dahil ang tao'y mabuti, kahit gaano pa siya kasama, mayroon paring kabutihan na nananatili sa puso nino man.   

Lunes, Enero 26, 2015

Ika-26 ng Enero taong 2015
The Tao is empty
When utilized, it is not filled up
So deep! It seems to be the source of all things (Tao Te Ching 4:1-3)
Sanggunian:
www.Taoism.net and Tao Te Ching: Annotated & Explained, published by SkyLight Paths in 2006.


Ang katotohanan ng Tao


            Sa pahayag na nasa Tao-Te Ching blg. 4:1-3 ay nagpapahayag ng isang kaisipan patungkol sa katotohang ng Tao, sa isang pagkakatulad, ang Tao ay mukhang isang tasa na walang laman, kapag nagamit ay hindi napupuno at sa lalim nito’y waring pinagmulan ng lahat ng bagay. Sa’king pagninilay-nilay, kapag ang tasa’y walang lamang inumin, nalalagyan ba ng inumin? Kapag ang inumin ay ininum, napupunan ba? Sa lalim ba ng tasa’y, sapat na ba ang naidaragdag? Sa una kong katangunan, ay tumutukoy sa kung nabibigyang pansin ba ang kawalan ng Tao sa isang tao, ang pangalawa kong tanong ay tumutukoy sa kung paano nakukuha ang nawalang inumin o ang sarili, at ang ikatlong tanong ay tumutukoy sa pagpupuna sa nawalang inumin. 

Huwebes, Enero 22, 2015

ika-21 ng Enero taong 2015


Ipinanganak ang isang nilalang na mahina’t malambot.
Sa paglisan, siya’y matigas at magaspang.
Ang damo’t luntiang halaman ay malambot at madaling mabali.
Pagkaraang maghingalo, ito ay lanta at tuyot.
Sa gayon ang matigas at di mababaluktot ay alagad ng kamatayan.
Ang mahina at malambot ay tagapagtaguyod ng buhay.
Dahil dito, bagamat ang hukbo ay malakas at ayaw bumigay, mawawasak ito.
Bagamat matipuno ang punong-kahoy at hindi yumuyuko, madaling mabakli ang mga sanga nito.
Ang matigas at matipuno ay mabubuwal;
Ang malambot at mahina ay makahihigit at mangingibabaw. (Tao Te Ching,76)




                 Ayon sa prinsipyong nakapahayag sa Tao Te Ching (76) na inilalarawan ang dalawang bagay na magkasalungat kung papaano naapektohan ang tao, halimbawa nalamang sa magkasalungat na tigas at lambot na siyang ginamit upang ilarawn kung papaano naipapaliwanag ng magkasalungat ang tao.


"Ipinanganak ang isang nilalang na mahina’t malambot.
Sa paglisan, siya’y matigas at magaspang.
Ang damo’t luntiang halaman ay malambot at madaling mabali.
Pagkaraang maghingalo, ito ay lanta at tuyot."

                   Ang uanang linya ng mga salita ay naglalarawan sa simula ng buahay  tao, sinasabi na kapag ang tao'y isinilang sa mundo siya'y mahina't malambot, ibig sabihin sa simula't sapul ang tao'y nagsimula sa isang mahinang nilalang at walang kamuwang-muawang sa mundo. Sa ikalawang linya ng mga salita naman ay tumutukoy sa kamatayan ng tao, kung mapapansin ang tao patay ay nagiging matigas ang pangangatawan at magiging magaspang ang balat. Ang tao rin ay inahalitulad rin sa halaman, kung sa simula ay  isang marupok at mahina at sa pagtakbo ng panahon unti-unti itong lumalaki at manghihina, tatanda at dahan-dahang papanaw.

"Dahil dito, bagamat ang hukbo ay malakas at ayaw bumigay, mawawasak ito.
Bagamat matipuno ang punong-kahoy at hindi yumuyuko, madaling mabakli ang mga sanga nito.
Ang matigas at matipuno ay mabubuwal;
Ang malambot at mahina ay makahihigit at mangingibabaw."

                         Sa huling bahagi ng pahayag, ay waring may nais pang ibigipahiwatig ang prinsipyo, kung ako'y hahayaan o bibigyang laya na bigyang kahulugan ang huling bahagi ng pahayag; na ang pagiging malakas at matatag ay madalinfg masisira sapagkat hindi ito umaayon sa bugso ng panahon, at ang mahina ay mangingibabaw sapagkat naaayunan niya ang bugso ng panahon. Halimbawa, sa kuwento ng isang malaking puno na may matatayog na mga sanga at ang kawayan, laging inaapi ng matibay na kahoy ang kawayan dahil siya'y patpatin at parang nahihiga sa tuwing nadadaanan ng hangin. Dumating sa panahon na dumaan ang malakas na hangin sapagkat mayroong bagyo na dadaan, sa lakas nito ay unti-unting natanggal sa pinagturukan ang matibay na punaong kahaoy at kalaunang nabali ang mga sanga nito at natumba, samantala ang kawayan naman ay laging nababaling ang katawan kung saan ang direksyon ng hangin, nang matapos ang malakas na bagyo ang natira na punong kahoy ay ang kawayan. kung Kung gayon, mas nakakahihigit pa pala ang mahina kay sa malakas.




-ang Tao Te Ching na isianalin sa wikang Filipino (Sanggunian):
E. San Juan, Jr.(April 27 2010). TAO TE CHING / DAO DE JING translated into                                                       FILIPINO. Retrieved from https://philcsc.wordpress.com/2010/04/27/tao-te-ching-                                          dao-de-jing-translated-into-filipino-by-e-san-juan-jr/

*Ang mga komentaryo ay ayon sa pansariling opinyon at interpritasyon kung mayroon mang kapareho ng akda, walang intensyong angkinin ang nasabing akda*

Miyerkules, Enero 21, 2015

Ika-20 ng taong 2015 sa buwang ng Enero

Heaven’s Way is indeed like the bending of a bow.
When (the string) is high, bring it down.
When it is low, raise it up.
When it is excessive, reduce it.
When it is insufficient, supplement it.
The Way of Heaven reduces whatever is excessive and supplements whatever is insufficient.
The way of man is different.
It reduces the insufficient to offer to the excessive. (Tao Te Ching, 77)


            Sinasabi na ang pamamaraan ng kalangitan ay taliwas sa pamamaraan ng tao, sapagkat walang alam ang tao sa kanyang ginagawa, ibig-sabihin lamang ay maaring alam niya ang bagay ngunit hindi niya alam ang katotohahan nito at kadalasan pa’y nabubulag sa porma o hitsura ng isang bagay. Samantalang ang kalangitan naman ay isang dakila, na siyang nakaka-alam kung ano ang katotohanan sa bagay-bagay. Ang pahayag ay nagsasaad ng prinsipyong naghahalintulad sa isang palaso. Ang palaso ay nabibigyang buhay sa kung paano nakikita ang taliwas na pamamaraan ng kalangita at tao, halimbawa sa pamamaraan ng tao na makikita sa gobyerno, kapag nagpapagawa ang isang lungsod ng sementadong daanan na mayroong 10 kilomentro at ang nailaan na salapi para sa pagpapagawa ng daanan ay sapat lamang sa 10 kilometro ngunit, dahil sa pagiging gahaman ng iilang pulitikong  ay naka pagawa lamang ng 7 kilometro at ang mas malubha pa nito ay madali lamang kumupas ang sementong daanan, na di’kalauna’y masisisra at di’magtatagal. Sa pananaw na ito, kung ano pa ang kulang o di’sapat ay siya pang kinukunan at napupunta lamang sa di’karapat-dapat na mga tao. Sa pananaw naman ng kalangitan ay tunay nga’ng taliwas, kung ano ang sobra ay di’nasasayang at nadarag-dagan kung ano ang may kakulangan. Base sa halimbawa, masasabi nga na ang pamamaraan ng kalangitan ay naiiba sa pamamaraan ng tao. 

Biyernes, Enero 16, 2015

ika-16 ng Enero taong 2015


(Tao Te Ching, 12)

            Sinasabi na ang katalinuhan o karunungan ay isang kapangyarihan “knowledge is power” ayon ito sa isang mamahayag na si Earnie Baron na kanyang pinasikat sa isang programa sa telebisyon, ibig-sabihin ay kapag ang isang tao’y may karunungan magagawa niya ang kahit na ano mang kanyang naisin. Sinasabi rin na nakakasa ang sobra-sobra sa mga bagay-bagay, kung gayun, hindi rin nakakabuti ang lubusang kaalam sa isang tao. Ngunit hindi ba’t nasa sarili kung paano ginamit ang talino sa pansariling intension na maaring humantong sa kasamaan? Ang katalinuhan o karunungan ay andiyan lamang naka depnde na sa tao kung paano niya gagamitin ang talino, maari man ito’y laban o sa kabutihan ng tao.

Miyerkules, Enero 14, 2015

ika-15 ng Enero taong 2015

When the people of the world all know beauty as beauty,
            There arises the recognition of ugliness.
When they all know the good as good,
            There arises the recognition of evil. (Tao Te Ching, 2)


            Ayon sa pahayag ni Tao Te Ching, mayroong mga bagay-bagay na mapagkunwari, akala natin na ito ay kagandahan sapagkat alam natin ito ay maganda sa’ting paningin o nakikita ng mga mata. Sa kabila ng kagandahan na bumibihag sa’ting paningin ay kaakibat na nito ang paglitaw ng kapangitan ng isang bagay na akala natin ay kaaya-aya. Isa pa nito ay kung ano ang mabuti, sa’ting paningin ay ang mabuti ay ang mabuti na’ting nakikita, ngunit gaya rin ng kagandahan, sa kabila nito ay lilitaw din ang kasamaan. Paano nga ba natin malalaman ang katotohanan sa likod ng misteryo na nanlilinlang ng paningin ng tao? Sa’king pananaw ay nararapat lamang na tayo ay maging isang mapanuri sa mga bagay-bagay na ating na eengkuwentro. Halimbawa nalamang, habang nanonood ng sa telebisyon at napapanood ang isang palatuntunan na may isang balingkinitnang dalaga na nageendorso ng isang produkto, sa pagkakataong ito, ay ini-isip na ng manonood na bibilhin o gagamitin niya ang produktong inindorso ng modelang balingkinitan. Sa pagkakataong ito, nakikita lamang ng manonood ang panlabas na katotohanan at hindi ang tunay na katotohanan, lumalabas panga tuloy nagiging tanga sa katotohanan at natatanaw lamang ang mapanglinlang na katotohahan. Nararapat lamang na pukawin natin an gating mga isipan at maging mulat sa paghahanap sa katotohanan. Ang kamulatan ay isang paraan upang tayo ay maging isang gising at maging kritikal sa pakikipag salamuha sa mga bagay-bagay na ating makakasalubong. Kung gayon, ang pagiging  mulat sa paghahanap ng tunay na katotohanan ay isa sa mga paraan upang makawala sa pagiging mangmang o pagiging “uto-uto” kapag tayo ay haharap sa bagay-bagay na ating makakasalamuha sa hinaharap. 

Martes, Enero 6, 2015

When the great Tao declined,
The doctrines of humanity (jen) and righteousness (li) arose.
When knowledge and wisdom appeared,
There emerged great hypocrisy.
When the six family relationships are not in harmony,
There will be the advocacy of filial piety and deep love to children.
When a country is in disorder,
There will be praise of loyal ministers. (Tao Te Ching, 18)


            Sa pahayag na nakasaad, sinasabi na ang kaisahan ay hindi matatag, at madaling nayayanig. Paano ba ito nayayanig, ayon sa teksto nayaynig ito kapag mayroong di’kaaya-ayang pangyayari sa loob ng isang lipunan o isang bayan. Halimbawa nalamang ay ang pahayag na nasa ika-limang pahayag na nagpapahiwatig nang kawalan ng kaisahan ng anim na pamilya. Ngunit sa kabila nang pagkawatak-watak ng kaisahan ay mayroon paring solusyon na lumilitaw upang lunasan o punan ang pagkawatak-watak nito. Maari ngang nayayanig ang kaisahan sa kabila ng pagkayanig ay mayroon paring mapupuna o solusyon sa isang suliranin.