Biyernes, Pebrero 27, 2015

Ika-27 Pebrero taong 2015

Empty yourself of everything.
Let the mind become still.
The ten thousand things rise and fall while the Self watches their return.
They grow and flourish and then return to the source. (Tao Te Ching 16:1-4)
                                                                           * Translated by Gia-fu Feng and Jane English

                 Paano nga ba natutuklasan ang mga ideya o kaalaman? Ayon sa pahayag na nakasaad ay sinasabi na ang mga ideya o mga kaalaman ay natutuklasan sa paraang pagninilay, sa pagninilay ay winawaglit ang mga bagay-bagay upang pagtounang pansin ang mga bagay –bagay na pinagninilayan. Sa paraang pagninilay ay nangangailangan ng tahimik at payapang isipan upang maka-pagisip ng mabuti. Ang pagninilay ay nakakatulong sa panahong nangangailangan ng masinsihang pag-iisip kung ano ang tama sa mali. Halimbawa sa’king karanasang pagpili sa naisip ng mga solusyon, sa puntong ito’y naipapakita ang pagninilay ay isang mabuting paraan upang malaman ang katotohanan.





Miyerkules, Pebrero 25, 2015



ika-25 ng Pebrero taong 2015
                                                                                  * Translated by Gia-fu Feng and Jane English
If men are not afraid to die,
It is no avail to threaten them with death.
If men live in constant fear of dying,
And if breaking the law means that a man will be killed,
Who will dare to break the law? (Tao Te Ching 74)

            Sinasabi na ang kamatayan ay kailan ma'y di'maiiwasan at di'mapipigilan nino man, ang kamatayan ay nasa kalikasan ng tao at lahat ng bagay na nabubuhay sa mundo, kung gayon ang kamantayan ay isang batas ng kalikasan. Sa kasalukuyan ang kamatayan ng tao'y isang pangyayaring kinakatakutan dahil ang mamamatay ay lilisan at iiwan ang kanilang mga mahal sa buhay, gayun din sa pananaw sa mga taong iniwan ng mga namatay. Kung ang kamatayan ay isang batas ng kalikasan at nasa kalikasan na ng isang bagay na nabubuhay na pumanay ibig sabihin ay hindi nararapat kinatakutan ang kamatayan dahil ito ay likas na sa tao at siyang pangyayari rin ang patutunguhan ng lahat.

Martes, Pebrero 24, 2015


ika-24 ng Pebrero taong 2015

Ruling the country is like cooking a small fish. (Tao Te Ching 60:1)

Ang pamumuno ay tulad ng pagluluto ng isang maliit na isda, sa pagpiprito ng isda tulad ng galung-gong na maselan kung lutuin ay tulad rin sa pamumuno, ayon pa sa’king guro sa sinaunang Tsinong Pilosopiya, kapag masyadong pinakealaman ang piniprito unti-unting nadudurog ang katawan nito at sa huli’y wala kanang makakain. Sa puntong ito, paano ba ang kalabisan na pangingi-alam nagdudulot ng kasamaan? Tulad sa pagwawaring nabanggit, ang kalabisan sa pangingi-alam ng isang pinuno sa kanyang nasasakupan ay maaring magdulot ng kapahamakan. Kapag masyadong naki-alam ang pamahalaan sa kanyang nasasakupan, hindi ba’t panghihimasok na ang pangyayari.



Lunes, Pebrero 23, 2015


ika-23 ng Pebrero taong 2015

When one desires to take over an empire and act on it (interfere with it),
I see that he will not succeed.
The empire is a spiritual thing, and should not be acted on.
He who acts on it harms it.
He who holds on to it loses it.(Tao Te Ching, 29:1-5)

Sa pahayag na nakasaad, kung sino man ang naghahangad na mamuno sa isang kaharian ay hindi kailan man magtatagumpay sa kanyang ninanais na hangarin, sapagkat ang naturang na kaharian ay may sariling kaluluwa at kailan man ay di'mamamanipula. Sa pagwawari, sa panliligaw ang sinisinta ay gaya rin ng isang kaharian, ito ay may saring mga pamamaraan o pamumuhay, kapag ang nagmamahal ay gumawa ng kilos na hindi naayon sa kalikasan ng isang sinisinta, ay tiyak masisira ang kanialang pagkakaibigan, at kapag lubusang hinawakan naman ng mangingibig ang sinisinta ay masasakal ang iniirog at tuluyang lalayo sa kanyang piling. Gayun din sa isang kaharian, ang kaharian ay may sariling pamamaraan sa buhay kapag kumilos ang sino mang naghahangad sa kapangyarihan na di naaayon sa kalikasan ng kaharian ay tiyak di amgwawagi sa pamumuno.

Biyernes, Pebrero 20, 2015


ika-20 ng Pebrero taong 2015
                                                                              * Translated by Gia-fu Feng and Jane English
                                                                                 from:http://terebess.hu/english/tao/gia.html#Kap03
The more laws and restrictions there are,
The poorer people become.
The sharper men's weapons,
The more trouble in the land.
The more ingenious and clever men are,
The more strange things happen.
The more rules and regulations,
The more thieves and robbers.(Tao Te Ching 57:7-13)

                    Sa pahayag na ito'y naisasalaysay ang kalabisan sa isang kaalama'y mayroong di'mabuting maidududlot. Sa pahayag na ito'y makikita ang kalabisan sa kaalaman ng isang mamumuno sa kanyang nasasakupan, katulad nalamang nang pagpapatupad ng mga batas na alam niyang kailangan ng bansa ngunit hindi naman ng mga tao, halimbawa'y pagpapalago sa ekonomiya sa paraang turismo, ang pagsasabatas sa pagpapakasal sa magkaparehing uri (same sex marriage). Kapag naging isang batas ang ideyang ito na sinasabing naglalayong mapaunlad ang ekonomiya sa larangan ng turismo, sapagkat marming mga dayuhang ninanais maikasal sa kaparehong uri. Sa puntong ito, naisasantabi ang nararapat at pinapalabis ang di'nararapat para sa madlang nasasakupan.


Huwebes, Pebrero 19, 2015


Ika- 19 ng Pebrero taong 2015

Not exalting the gifted prevents quarreling. 
Not collecting treasures prevents stealing.
Not seeing desirable things prevents confusion of the heart.
The wise therefore rule by emptying hearts and stuffing bellies, by weakening ambitions and strengthening bones.
If men lack knowledge and desire, then clever people will not try to interfere.
If nothing is done, then all will be well. (Tao Te Ching 3)
                                                                        *Translated by Gia-fu Feng and Jane English
                                                                                                from:http://terebess.hu/english/tao/gia.html#Kap03

            Ang pahayag ay nagsasalamin sa kasalukuyang kondisyon ng isang institusyon sa lipunan na tinatawag nating gobyerno o pamahalaan, sa puntong ito tumutukoy ang pahayag sa mga opisyal ng pamahalaan na namumuno sa isang bansa, lungsod, probinsya, o kahit sa baranggay. Sa isang pamahalaan kanya-kanyang pagpapasikat o “papogi” ang ginagawa dahil sila raw ay may nagawang mabuti at waring sinasamba naman ang mga pulitikong ito ng ng kanilang mga tagasoprta dinudumog ng mga mamahayag upang ihayag ang nagawang mabuti, yung iba nama’y hindi natutuwa sapagkat sa nagseselos sa natatamasang kasikatang ng ibang pulitiko. Mayroon ding mga politikong naging gahaman sa pera upang mabingyang pansin ang pansariling interes at ang mas malubha pa’y nalulong sa pagnanakaw ng kaban ng bayan at humahantong sa kahirapan ng bayan. Nagagawang magnakaw ng isang mamumuno sa kaban ay dahil siya ay may mga pansariling ninanais na hindi naman makakatulong sa pag-unlad ng bayan, sa puntong ito nabubulag at nabibingi na ang isang mamumuno sa kanyang nasasakupan para lamang matustusang ang kanyang pansariling ninanais. Kung isusumatotal ang ganitong klaseng pamumuno sa isang bayan sa paraang pagiging arogante sa kanyang mga nagawa, gahaman sa yaman ng bayan, at pagiging bulag at bingi sa kinalalagyan ng kanyang nasasakupan ay nagpapakita lamang ng isang uri na mamumuno na nabubuhay sa kawalan ng puso at kabusugan sa material na yaman.
            Paano kaya mawawala ganitong pag-iisip sa mga mamumuno?  Sabi ni Lao Tzu’y  ang kawalan ng kaalama’y magpapatigil sa pangingi-alam ng pulitikong kumikimkim ng pansarilng interes at naglalayong gawin kapag siya ay nailuk-lok sa tungkulin. Ang kawalan ang kaalaman sa mga pansariling mga ninanais na tumatakip sa tenga at mata ng mga mamumuno na humahadlang para sila’y MAGLINGKOD sa kanilang nasasakupan. Kaya nga’y TAGALINGKOD ang tawag sa mga mamummuno ay dahil sila ang inatasan ng taong bayang magserbisyo at magbigay ng karampatang tulong sa mga nangangailangan, hindi ang isang terminong tumutukoy sa nakaupong mamumuno na taga-LINGKOD.
           
           
                   

                     









Miyerkules, Pebrero 18, 2015

ika-18 ng Pebrero taong 2015
(Government of Non-Interference)

Pamahalaang hindi nangingi-alam

              Ang pamahalaan ay isang instutusyon ng lipunan na naglalayong maglingkod at maging isang sandalan ng kanyang nasasakupan, sa paraan nang pagpapatupad ng mga batas na siyang gumagabay sa mga taong kanyang pinaglilingkuran, Ngunit sa sa bahaging ito, binibigyang diin ni Lao Tzu ang pamahalaang hindi nakiki-alam sa kanyang nasasakupan, kung pagbabasehan ang adhikain ng pamahalaan na siyang naglalayong pagsilbihan ang kanyang nasasakupan sa paraan ng pagpapatupad ng batas upang magampanan ang naturang tungkulin, ay hindi naman magiging dahilan ng pagkalugmok sa kahrapan at magdulot ng kapahamakan sa halip ay magbubunga ito ng kasaganahan, ikalalago at iuusbong ng bansa. Pagkaisipin wala namang atang dapat ika bahala kung makikialama ng pamahalaan sa kanyang nasasakupan kung ang kanyang layunin ay mabuti. Sa'king palagay kung bakit, binibigyang diin ni Lao Tzu ang Pamahalaang hindi nangingi-alam ay maaring dahil narin sa intensyong nitong di'mabuti. Kung iisipin nga naman, hahayaan ba nating manghimasok ang taong may masamang binabalak?


Martes, Pebrero 17, 2015

ika-17 ng Pebrero taong 2015

In ancient times those who practiced Tao well
Did not seek to enlighten the people, but to make them ignorant.  (Tao Te Ching, 65:1-2)

              Sa puntong ito ang Tao ay isang prinsipyo na ginagawa ng isang tao, ang prinsipyong ito ay naglalayong tauruan ang taong maging isang ignorante at hindi isang kaliwanagan sa mundo. Ignorante, sa puntong hinuhubaran ang isipan ng tao, hinuhubaran sa puntong binabaklas ng Tao ang naunanang palagay sa mga bagay-bagay o sa isang kaalaman. Ang Tao ay hindi nagtuturo kung paano magbigay kaalaman o liwanag sa mundo, sapagkat sa simula't sapul wlang alam ang tao, ang tao'y naka depende sa isang pinanggalingan at siya ring kanyang babalikan.

Biyernes, Pebrero 13, 2015

ika-13 ng Pebrero taong 2015

He who knows does not speak.
He who speaks does not know. (Tao Te Ching, 56:1-2)

               Sa pahayg na ito ay naalala ko ang isang talinhaga patunkol sa 2 uri ng lata, yung mayroong laman at walang laman, kapag itinapon mo ang latang walang laman ay lumilikha ito ng ingay na nakakairita, at kapag itinapon naman ang latang may laman lumilkha ito ng hindi gaanong kalakasang ingay kung ikukumpara sa latang walang laman. Ang taong nagmamarunong ngunit hindi naman niya alam ang kanyang pinagsasabi at kung minsan siya pa ang maraming sinasabi at kung minsan ay nakakainis na, habang ang taong may alam sa isang bagay ay kung minsan siya pa ang tahimik ang nagmamasid lamang sa tabi. 

Huwebes, Pebrero 12, 2015

ika-12 ng Pebrero taong 2015


To know that you do not know is the best.
To pretend to know when you do not know is a disease.
Only when one recognizes this disease as a disease can one be free from the disease.
The sage is free from the disease.
Because he recognizes this disease to be disease, he is free from it. (Tao Te Ching, 71)

                        Ang pahayag ay nagpapa-alala sa'kin ng "Socratic Wisdom", na laging nagpapa-alala sa'kin na maging ignorante at wag maging isang tanga. Ignorante, ang terminong ignorante ay tumutukoy sa kakulangan ng katalinuhan at hindi sa kawalan ng paniniwala. Sa'king pagninilay, ay napagtanto kong ang pgiging ignorante na tumutukoy sa kakulangan ng kaalaman ay may naidudulot na mabuti sa isang tao. Tinuturuan ang taong maging mapanuri sa mga bagong bagay-bagay at maging metikoloso sa mga natutuklasang detalye. Ang pagiging ignorante rin ay tinuturuan ang tao maging matapang upang humarap sa katotohanang hindi niya alam ang isang bagay. Tanga, bakit naging tanga? Ang terminong "tanga" ay hiniram ko kay Fr. Roque Ferriols buhat narin nabanggit ito ng aking guro sa sinaunang Griyegong pilosopiya na si ginuong Matalam. Noong narinig ko ang terminong tanga ayon kay Ferriols, ay napagtanto kong tanga nga naman taong nagsasabi na alam niya ngunit hindi niya pala alam at ito ay magiging isang kanser na unti-unting sisira sa tao.

Miyerkules, Pebrero 11, 2015

ika-11 ng Pebrero taong 2015

To hold and fill to overflowing
            Is not as good as to stop in time.(Tao Te Ching, 9:1-8)


                  Isang prinsipyo nanaman ang nagpapatunay na ang kalabisan sa isang bagay ay humahantong lamang sa kawalan. 
                                    " To hold and fill to overflowing
                                                  Is not as good as to stop in time."
Kung ipagpapalagay na ang naturang pahayag ay ating ihahambing sa paglalagay ng inumin sa isang mangkok, kahit ano mang pilit o pagpupursigi upang mapuno ang magkok ng inumin ay mayroon taliwas na pangyayari na nagaganap. Kapag ibinuhos ang inumin sa mangkok ay unti-unti itong napupuno, kapag ito ay napuno na ay dahan-dahan itong aapaw, at ang naturong inumin ay masasayang. Sa aking karanasan, sa tuwing magsisimula na akong maginsayo sa Taekwondo, ay nagkakaroon kami ng dalawampung minuto upang mag "meditate" upang kalimutan ang mga bagay-bagay na hindi kinakailangan sa Taekwondo, sa paraang ito, hinahayaan ang "kaluluwa" ng Taewondo na maging isa kami sa oras ng pag-iinsayo. Sa puntong ito hindi ba't nasasayang ang mga kaalaman ko sa ibang bagay na walang kinalaman sa Taekwondo? Sa kasalukuyang panahon ayon sa aking obserbasyon, ay madalas nalilimutan na nating tumigil ng panandalian dahil marami tayong gusto o kinakailangan, at upang maabot o makuha natin ang ating mga gusto o mga kinakailangan ay minamadali natin ang mga bagay-bagay dahil naniniwala tayo kapag nagawa natin ng mabilis ay siguradong marami tayong matatapos at magagampanan. Minsan ay kailangan din nating huminto ng panandalian at pagnilayan, kung ang ating mga ginagawa ay napupunta ba sa wala.


                                        
Lingguhang Papel sa Sinaunang Tsinong Pilosopiya:(huling pagpasa)
Ano ang  pilosopiya sa sinaunang tsinong pilosopiya sa paraan kung paano inilahad ang mga nabuong solusyon ng Tawismo?

            Ang Tawismo (Taoism) ay naiiba at kung minsan pa ay taliwas pa sa aking paniniwala, ayon sa Taowismo, sinasabi na ang Tawismo ay isang paraan ng pamumuhay ng isang tao sa mundong ibabaw at ang Tao ay siyang naglalahad ng mga kinaugaliang prinsipyo upang masolusyunan ang mga suliraning nagugat sa kaliksan o sa loob ng isang sarili. Ayon sa Tawismo kinakailangang isaisip ng tao ang Tao bilang isang paraan ng pamumuhay ng isang tao, at masolusyunan ang suliranin sa kalikasan ng tao. Ayon sa Tawismo nararapat na maunawaan rin ng lubusan ng tao ang Tao, upang maintindihan ang mga ito, inilahad ng Tawismo ang mga nabuong solusyon sa suliranin ukol sa kalikasan ng sarili. Ang kataliwasan ng Tao ay sumasangayon sa isa’t-isa, ang Tao ay ang pinagmulan, ang katotohanan ng Tao, at ang pagpapahayag ng Tao.
            Ang kataliwasan ng Tao,  sinasabi na kapag ang dlawang bagay ay taliwas ay ibig-sabihn ay magkaiba, magkasalunat, o hindi sa pagsasang-ayon. Ayon sa Tawismo ang kataliwasan ay siyang tumutukoy sa kung ano ang ano halimbawa, malalaman ng tao kung ano ang tama sa mali, ang maganda, sa pangit at iba pa, natutukoy ng tao ang alin sa alin sapagkat alam niyang iba ang iba sa iba. Paano ito naging isang solusyon? Nagiging solusyon ang kataliwasan sa isang suliranin kapag natutukoy ng tao ang tama sa mali, ang mabuti sa masma, at ang maganda sa pangit, ngunit naka depende parin kung papaano niya ito matutuonan ng pansin.
            Ang Tao ay ang pinagmulan, sinasabi na ang Tao ay walang simula at walang katapusan, ang Tao ay laging gumagalaw kasabay ng panahon, ibigsabihin ang Tao ay laging andito sa kasalukuyan kasama natin o sa hinaharap kasama ng ating mga anak o mga apo, ang Tao ay laging nakaantabay sa’tin. Sa puntong ito, paano ito nakakaresolba ng suliranin ng kalikasan ng tao? Nakakaresolba ito sa suliranin sa kalikasan ng tao, sa pagsasaisip n gang Tao ay nasa lahat, sa puntong ito, waring ang Tao ay isang Diyos na kung saan ay makikita maging sa kasalukuyan o sa hinaharap man.
            Ang katotohanan ng Tao, ay parang isang walang lamang mangkok ngunit ito ay pinagmulan ng mga bagay-bagay. Sa puntong ito ang Tao ay waring isang Diyos. Paano ba ang kawalan at pinagmulan ay naging isang sulosyon ng suliranin? Nagiging solusyon ang isang suliranin sa pagsasaisip na kahit ang Diyos ay hindi mahahawakan o madarama ng balat-sa-balat ay tatandaan o dapat ay isaisip mayroong Diyos sa kabila ng kanyang kawalan (in-flesh)  ng katawan ay siya ay pinagmulan ng mga dakilang bagay.
            Ang pagpapahayag ng Tao, ang Tao ay mapagkumbaba, sa puntong ito ang Tao ay isang birtud na dapat ay umiiral sa isapan ng isang tao. Paano ba ito nagiging solusyon sa suliranin sa kalikasan ng tao? Nagiging solusyon ito sa paraan ng pagiging isang tubig, ayon sa aking propesor sa asignaturang ito, ang pinakamalumanay sa mundo ay may kakayahang putulin ang isang asero, hindi ba’t ang tubig ay isang malumanay na bagay sa mundo, at ayon rin sa aking napanood sa isang programa ang tubig nga ay ginagamit sa isang pagawaan ng mga bagay na gawa sa asero upang mahati o putulin ang asero. Sa puntong ito, kung ang tubig ay kumakatawan sa kababaang loob at ang asero naman ay tumutukoy sa isang suliranin, kaya masasabi nating ang kababang loob ay isang paraan upang masulusyunan ang suliranin sa kalikasan ng tao.

            Kung isasaisip ang mga naturang solusyon, na nabuo ng Tawsimo ay maaring masulusyunan ang suliraning tumutukoy sa kalikasan ng tao. Ngunit sa puntong ito ano ang pilosopiya, ayon sa mga nailahad na mga solusyon ng Tawismo, ang pilosopiya ay lahat o ang mundo, ang pilosopiya ay nasa mundo ang pilosopiya ay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay, ang pamimilosopiya ay ang pagtukoy sa kung ano ang tama sa mali, ang pamimilosopiya ay walang simula at walang katapusan dahail ang pilosopiya ay nasa mundo at gumagalaw ito kasabay ng panahon. At sng pamimilosopiya ay isang malumanay na paraan upang mahanap ang katotohanan. Kung gayon, ang Tao ba ay pilosopiya?

Martes, Pebrero 10, 2015

Ika-10 ng Pebrero taong 2015

The five colors cause one’s eyes to be blind.
The five tones cause one’s ears to be deaf.
The five flavors cause one’s palate to be spoiled.
Racing and hunting cause one’s mind to be mad.
Goods that are hard to get injure one’s activities.
For this reason the sage is concerned with the belly and not the eyes.
Therefore he rejects the one but accepts the other.  (Tao Te Ching, 12)


            Sinasabi na ang kaalaman ay siyang susi sa kaunlaran at nararapat lamang na palagoin ang nasabing kaalaman ngunit taliwas ito sa aking interpretasyon sa isang prinsipyo, sinasabi naang kalabisan sa isang bagay ay di’mabuti. Tulad nalamang sa panlasa di’nakakabuti ang labis na liwanag sa mata, ang labis na tunog ay nakakabingi, ang labis na lasa ay maglalasang panis, at iba pa. Maaring ang mahahalintulad ang kaalaman sa bagay na kapag ay naging sobra ay di nakakabuti sa tao, dahil ang taong may labis na nakaalaman ay hahantong sa katangahan. Hindi ba’t mas mainam na ang tao’y isang umiirog sa kaalaman at hindi isang nagmamay-ari ng kaalaman? Sapagkat magiging tanga sa katotohanan ang taong iyon ay hindi alam ang lahat ng bagay at hindi niya mahahawakan ang kaalaman, dahil maraming kaalaman sa mundo na maaring matutunan, at kinakailangan ng taong magbawas ng kaalaman upang matuto. 

Miyerkules, Pebrero 4, 2015

ika-4 ng Pebrero taong 2014

The sage manages affairs without action (wu-wei)
And spreads doctrines without words.(Tao Te Ching, 2:1-2)

          Ang isang taong marunong ay nakakapangasiwa kahit walang kilos at nagpapalaganap ng doktrina kahit walang salita. Paano ba makakapangasiwa ng mabuti sa kawalan ng kilos? Paano ba napapahayag ang doktrina sa kawalan ng mga salita? Sa'king pananaw, mukhang mahirap o imposible ang makakagawa o tutugunan ang isang gawain kapag ang tao'y hindi kikilos o magsasalita. Ngunit matapos kong pagnilayan ang pahayag, ay naisip kong, hindi kaya ang dahilan kung bakit hindi na kailangang kumilos ang isang taong marunong ay nasa kanyang sarili ang gawain o likas na sa kanya  ang isang gawain upang kumilos o magsalita ng naayon? At ang kawalan ng kilos o salita na ipinapahayag ng TTC, 2:1-2 ay tumutukoy sa kawalang pangagailanagan ng hugot sa isang gawain dahil ay naging likas na ito sa'kanya. Halimbawa nalamang noong ako'y nagsasanay palamang sa Taekwondo ay hindi ako gaanong nahihirapang sundin ang "basic" na mga porma, sipa, suntok, at pagprotekta sa sarili gamit lamang ang mga kamay, dahil bago paman ako nagsanay sa Teakwondo ay tinuturuan ako ang aking ama sa mga pangunahing gawain sa martial arts, sa puntong ito masasabi nating maaring hindi na nangangailangan ng "hugot" o "effort" sa isang tao sa isang gawain kapag ang gawaing ito'y isang likas sa tao.

Martes, Pebrero 3, 2015

ika-3 ng Pebrero taong 2015
(Walang Kaalaman, Walang Ninanais)

One may know the world without going out of doors.
One may see the Way of Heaven without looking through the windows.
The further one goes, the less one knows.
Therefore the sage knows without going about,
Understands without seeing,
And accomplishes without any action. (Tao Te Ching, 47)

              Sinasabi na ang kaalaman ay hindi lamang umiikot sa apat na sulok ng silid gayun man ang kaalaman ay umiikot rin sa labas ng silid, upang maging buo ang pagigigng kaalaman ng isang bagay sa isang tao, at kung malayo naman ang tatahakin ng tao ay mas matatayog naman na kaalaman ang kanyang masasalubong, maiintindihan at mauunawaan ang mga pangyayari, at masasabi lamang sa sarili na siya ay natuto na. Pahayag naman sa TTC Blg. 47 ay isang taliwas sa nakasanayang ideya  ng isang taong marunong sa paniniwala kung paano natututo, Sinasabi na hindi kinakailangang lumabas upang matuto, at kung ang tao ma'y lumabas, kung gaano kalayo kung siya'y lumayo ay sin'liit rin nito ang kanyang matutunan, mas malilito ang tao, at masasabing wala siyang matutunan.

               Sa'king pagninilay-nilay ay maari nating turingin ang kalabisan sa kaalaman ay isang kasamaan, hindi'ba't ang kalabisan sa isang bagay ay nagdudulot ng di'mabuti? Ang kalabisan sa kaalaman man ay may naidudulot na kasamaan sa sarili, kapag ang tao'y naging isang arogante matapos siyang matuto, masyado niyang naipagmamalaki ang kanyang kaalaman na kung minsan pa nga ay nakakapanakit na sa iba. Halimbawa nalamang sa aking karansan, ay naranasan ko nang maging arogante pakiramdam kong alam ko na ang dapat kong malaman sa larangan ng palakasan sa Taekwondo dahil natanggap ko na ang aking promosyon bilang isang black belter. Sa isang torneyo, para sa gintong medalya ako'y may nakaharap isa ring blak belter kung tawagin, ibig sabihin ay may ibubuga rin ngunit sa aking isipan siya ay parang abo lamang walang iba-batbat sa'kin, nang simula ang laro ay naging kompyansa ako naging arogante at minaliit ang kanyang kakayahan, sa kalagitnaan ay napapansin kong unti-unti na niya akong nauunahan sa puntos, hanggang matapos ang laro ay nabigla nalamang ako sa resulta ako ay talo. Sa isinalaysay na halimbawa,masasabi kong nakasakit ako ng damdamin ng iba dahil minaliit ko ang kanyang kakayahaan upang ako'y labanan gayun din sa sarili "nagigisa sa sariling mga mantika" ang sarili kapag siya'y naging arogante at mapagmataas. Sa ganitong pananaw, makikita na ang sobrang kaalaman sa isang bagay ay kung minsan ay may naidudulot na di'mabuti.

Lunes, Pebrero 2, 2015

ika-2 ng Pebrero taong 2015
(Walang kaalaman, walang pagnanais)

The sage places himself in the background, but finds himself in the foreground.
He puts himself away, and yet he always remains.
Is it not because he has no personal interests?
This is the reason why his personal interests are fulfilled. (Tao Te Ching, 7)

             Sinasabi na ang isang taong marunong ay ikinukubli ang sarili sa karamihan, pero nakikita ng karamihan, ibig sabihin ay, ang taong marunong ay nagtataglay ng kababaang loob hindi niya hinahayaan ang sarili na magpapansin ngunit hidi niya inaasahan na siya ay mapapansin. Ayon din sa pahayag ang taong marunong ay inilalayo ang sarili ngunit lagi siyang nanatili. Ano kaya ang knayang inilalayo sa sarili at napapanatili niya ang kanyang sarili, hindi kaya'y mga materiyal na bagay? Ang mga material na mga bagay ay parang nagpapabago sa'tin sa aspetong pisikal, emosyonal, spiritual, o maging mental, napapabago ng materiyal na bagay ang tao sa paraan ng pamumuhay ngunit may mga bagay na sumisira sa tao tulad ng mga bagay na gusto o mga ninanais o maari nating tawagin na mga luho. Naiiba ang taong marunong, sa halip na siya ay madala sa mga luho ay kanya itong inilalayo sa sarili at pinapanatili ang sarili sa mga bagay na kung ano lamng ang higit na kailangan. Ang mga luho ba isa sa mga layunin ng isang taong marunong? Sa aking pananaw ay hindi, ang luho ay hindi nagiging pangunahing layunin ng taong marunong sapagkat alam niyang walang maidudulot na mabuti ang isang bagay na isang ninanais o luho, kaya inilalayo ng taong marunong ang mga ganitong bagay, at ito ang magiging dahilan ng kanyang kasiyahan.