Martes, Pebrero 3, 2015

ika-3 ng Pebrero taong 2015
(Walang Kaalaman, Walang Ninanais)

One may know the world without going out of doors.
One may see the Way of Heaven without looking through the windows.
The further one goes, the less one knows.
Therefore the sage knows without going about,
Understands without seeing,
And accomplishes without any action. (Tao Te Ching, 47)

              Sinasabi na ang kaalaman ay hindi lamang umiikot sa apat na sulok ng silid gayun man ang kaalaman ay umiikot rin sa labas ng silid, upang maging buo ang pagigigng kaalaman ng isang bagay sa isang tao, at kung malayo naman ang tatahakin ng tao ay mas matatayog naman na kaalaman ang kanyang masasalubong, maiintindihan at mauunawaan ang mga pangyayari, at masasabi lamang sa sarili na siya ay natuto na. Pahayag naman sa TTC Blg. 47 ay isang taliwas sa nakasanayang ideya  ng isang taong marunong sa paniniwala kung paano natututo, Sinasabi na hindi kinakailangang lumabas upang matuto, at kung ang tao ma'y lumabas, kung gaano kalayo kung siya'y lumayo ay sin'liit rin nito ang kanyang matutunan, mas malilito ang tao, at masasabing wala siyang matutunan.

               Sa'king pagninilay-nilay ay maari nating turingin ang kalabisan sa kaalaman ay isang kasamaan, hindi'ba't ang kalabisan sa isang bagay ay nagdudulot ng di'mabuti? Ang kalabisan sa kaalaman man ay may naidudulot na kasamaan sa sarili, kapag ang tao'y naging isang arogante matapos siyang matuto, masyado niyang naipagmamalaki ang kanyang kaalaman na kung minsan pa nga ay nakakapanakit na sa iba. Halimbawa nalamang sa aking karansan, ay naranasan ko nang maging arogante pakiramdam kong alam ko na ang dapat kong malaman sa larangan ng palakasan sa Taekwondo dahil natanggap ko na ang aking promosyon bilang isang black belter. Sa isang torneyo, para sa gintong medalya ako'y may nakaharap isa ring blak belter kung tawagin, ibig sabihin ay may ibubuga rin ngunit sa aking isipan siya ay parang abo lamang walang iba-batbat sa'kin, nang simula ang laro ay naging kompyansa ako naging arogante at minaliit ang kanyang kakayahan, sa kalagitnaan ay napapansin kong unti-unti na niya akong nauunahan sa puntos, hanggang matapos ang laro ay nabigla nalamang ako sa resulta ako ay talo. Sa isinalaysay na halimbawa,masasabi kong nakasakit ako ng damdamin ng iba dahil minaliit ko ang kanyang kakayahaan upang ako'y labanan gayun din sa sarili "nagigisa sa sariling mga mantika" ang sarili kapag siya'y naging arogante at mapagmataas. Sa ganitong pananaw, makikita na ang sobrang kaalaman sa isang bagay ay kung minsan ay may naidudulot na di'mabuti.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento