Lao
Tzu: ikalawang lingguhang papel.
Ano ang
pilosopiya na ipinakita ni Lao Tzu sa sinaunang Tsinong Pilosopiya sa kanyang
paglalahad ng kanyang mga solusyon?
Ang
pilosopiya na ipinakita ni Lao Tzu sa sinaunang Tsinong pilosopiya sa kanyang
paglalahad ng mga solusyon ay ang paghubog ng tao sa paraan ng kalikasan, sa
paraang paghubog ng tao sa kalikasan ay isang paraang pagbibigay lunas sa
karamdaman na humahantong sa isang suliranin, sa ‘king nakaraang pakikipag
diskurso, isang ideya ang waring bunubuo na ang walang katuturan sa pagigigng
kontento ay nagapaparusa sa sarili. Sabahaging ito, ang paghubog sa tao sa
paraan ng kalisan, ang kalikasan ay tumutukoy sa kung ano ang likas o ang
kanyang pinagmulan sa simla’t sapul. Ang paghubog sa isang tao sa paraan ng kalikasan
ay isang lunas sa naturang karamdaman na humahantong sa isang suliranin kapag
di-nalunasan. Paano naihuhubog ng kalikasan ang tao? Nahuhubog ng kalikasn ang
tao sa paraang ibinabaik ng tao ang kanyang sarili sa kung ano ang likas o sa
kanyang pinagmulan. Halimbawa, bilang isang mag-aaral pumupunta ako sa paaralan
upang matuto ito ay natural na bagay na ginagawa ng isang mag-aaaral, mag-aral
upang matuto, ngunit ang ganitong pagkakataon ay di-nagiging natural kapag ang
ginagawa ng estudyante ay hindi na pag-aaral. Sa pagkakataong ito nagkakaroon
ng karamdaman ang mag-aaral dahil nababaling ang kanyang attensyon sa ibang
bagay na di naayon sa kung ano likas na ang mag-aral upang matuto, kinalauna’y
kinakailangang ibalik ng mag-aaral ang sarili kung ano ang kanyang pinunta sa
paaralan. Sa puntong ito, naibabalik ng kalikasan ang isang bagay sa kanyang
pinagmulan ang at pabalik sa kung ano ang kanyang pinagmulan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento