When the people of the world all know beauty as beauty,
There arises the recognition of ugliness.
When they all know the good as good,
There arises the recognition of evil. (Tao Te Ching, 2)
Ayon sa pahayag ni Tao Te Ching,
mayroong mga bagay-bagay na mapagkunwari, akala natin na ito ay kagandahan
sapagkat alam natin ito ay maganda sa’ting paningin o nakikita ng mga mata. Sa kabila
ng kagandahan na bumibihag sa’ting paningin ay kaakibat na nito ang paglitaw ng
kapangitan ng isang bagay na akala natin ay kaaya-aya. Isa pa nito ay kung ano
ang mabuti, sa’ting paningin ay ang mabuti ay ang mabuti na’ting nakikita,
ngunit gaya rin ng kagandahan, sa kabila nito ay lilitaw din ang kasamaan.
Paano nga ba natin malalaman ang katotohanan sa likod ng misteryo na nanlilinlang
ng paningin ng tao? Sa’king pananaw ay nararapat lamang na tayo ay maging isang
mapanuri sa mga bagay-bagay na ating na eengkuwentro. Halimbawa nalamang,
habang nanonood ng sa telebisyon at napapanood ang isang palatuntunan na may
isang balingkinitnang dalaga na nageendorso ng isang produkto, sa pagkakataong
ito, ay ini-isip na ng manonood na bibilhin o gagamitin niya ang produktong
inindorso ng modelang balingkinitan. Sa pagkakataong ito, nakikita lamang ng
manonood ang panlabas na katotohanan at hindi ang tunay na katotohanan,
lumalabas panga tuloy nagiging tanga sa katotohanan at natatanaw lamang ang
mapanglinlang na katotohahan. Nararapat lamang na pukawin natin an gating mga
isipan at maging mulat sa paghahanap sa katotohanan. Ang kamulatan ay isang
paraan upang tayo ay maging isang gising at maging kritikal sa pakikipag
salamuha sa mga bagay-bagay na ating makakasalubong. Kung gayon, ang
pagiging mulat sa paghahanap ng tunay na
katotohanan ay isa sa mga paraan upang makawala sa pagiging mangmang o pagiging
“uto-uto” kapag tayo ay haharap sa bagay-bagay na ating makakasalamuha sa
hinaharap.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento