Ika-9 ng Marso taong 2015
Under heaven all can see beauty as beauty only because
there is ugliness.
All can know good as good only because there is evil. (Tao
Te Ching 2: 1-2)
Sa prinsipyong
ito, ang magkasalungat ay waring kumikilos o nagtutulungan upang magkaroon ng
kaayusan o kaisahan (harmony), sa paraang malalaman ng tao kung ano ang sadyang
kaaya-aya kung ihahambing sa kapangitan at kung ano ang mabuti at masama. Sa
pagkakataong ito, kapag alam ng tao ang pagkakaiba ng dalawang bagay ay siya ay
kalian ma’y di malilito. Halimbawa, ang taong mangmang ay naguguluhan sa
dalawang bagay na halos magkaiba, siya ay magtataka at maguguluhan, at
maghahanap ng paraan upang lubusang maunawaan ang dalawang bagay na
umaalibadbad sa’kanya. Kapag iminulata
niya ang isipan sa pangyayaring iyon, ay makikita niya ang pagakakaiba ng
dalawang bagay, mapapansin niyang mayroong kaibahan sa dal’wang bagay. Sa
puntong ito, masasabi kong, ang magkasalungat ay nakakatutulong pagkamulat ng
tao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento