Huwebes, Enero 22, 2015

ika-21 ng Enero taong 2015


Ipinanganak ang isang nilalang na mahina’t malambot.
Sa paglisan, siya’y matigas at magaspang.
Ang damo’t luntiang halaman ay malambot at madaling mabali.
Pagkaraang maghingalo, ito ay lanta at tuyot.
Sa gayon ang matigas at di mababaluktot ay alagad ng kamatayan.
Ang mahina at malambot ay tagapagtaguyod ng buhay.
Dahil dito, bagamat ang hukbo ay malakas at ayaw bumigay, mawawasak ito.
Bagamat matipuno ang punong-kahoy at hindi yumuyuko, madaling mabakli ang mga sanga nito.
Ang matigas at matipuno ay mabubuwal;
Ang malambot at mahina ay makahihigit at mangingibabaw. (Tao Te Ching,76)




                 Ayon sa prinsipyong nakapahayag sa Tao Te Ching (76) na inilalarawan ang dalawang bagay na magkasalungat kung papaano naapektohan ang tao, halimbawa nalamang sa magkasalungat na tigas at lambot na siyang ginamit upang ilarawn kung papaano naipapaliwanag ng magkasalungat ang tao.


"Ipinanganak ang isang nilalang na mahina’t malambot.
Sa paglisan, siya’y matigas at magaspang.
Ang damo’t luntiang halaman ay malambot at madaling mabali.
Pagkaraang maghingalo, ito ay lanta at tuyot."

                   Ang uanang linya ng mga salita ay naglalarawan sa simula ng buahay  tao, sinasabi na kapag ang tao'y isinilang sa mundo siya'y mahina't malambot, ibig sabihin sa simula't sapul ang tao'y nagsimula sa isang mahinang nilalang at walang kamuwang-muawang sa mundo. Sa ikalawang linya ng mga salita naman ay tumutukoy sa kamatayan ng tao, kung mapapansin ang tao patay ay nagiging matigas ang pangangatawan at magiging magaspang ang balat. Ang tao rin ay inahalitulad rin sa halaman, kung sa simula ay  isang marupok at mahina at sa pagtakbo ng panahon unti-unti itong lumalaki at manghihina, tatanda at dahan-dahang papanaw.

"Dahil dito, bagamat ang hukbo ay malakas at ayaw bumigay, mawawasak ito.
Bagamat matipuno ang punong-kahoy at hindi yumuyuko, madaling mabakli ang mga sanga nito.
Ang matigas at matipuno ay mabubuwal;
Ang malambot at mahina ay makahihigit at mangingibabaw."

                         Sa huling bahagi ng pahayag, ay waring may nais pang ibigipahiwatig ang prinsipyo, kung ako'y hahayaan o bibigyang laya na bigyang kahulugan ang huling bahagi ng pahayag; na ang pagiging malakas at matatag ay madalinfg masisira sapagkat hindi ito umaayon sa bugso ng panahon, at ang mahina ay mangingibabaw sapagkat naaayunan niya ang bugso ng panahon. Halimbawa, sa kuwento ng isang malaking puno na may matatayog na mga sanga at ang kawayan, laging inaapi ng matibay na kahoy ang kawayan dahil siya'y patpatin at parang nahihiga sa tuwing nadadaanan ng hangin. Dumating sa panahon na dumaan ang malakas na hangin sapagkat mayroong bagyo na dadaan, sa lakas nito ay unti-unting natanggal sa pinagturukan ang matibay na punaong kahaoy at kalaunang nabali ang mga sanga nito at natumba, samantala ang kawayan naman ay laging nababaling ang katawan kung saan ang direksyon ng hangin, nang matapos ang malakas na bagyo ang natira na punong kahoy ay ang kawayan. kung Kung gayon, mas nakakahihigit pa pala ang mahina kay sa malakas.




-ang Tao Te Ching na isianalin sa wikang Filipino (Sanggunian):
E. San Juan, Jr.(April 27 2010). TAO TE CHING / DAO DE JING translated into                                                       FILIPINO. Retrieved from https://philcsc.wordpress.com/2010/04/27/tao-te-ching-                                          dao-de-jing-translated-into-filipino-by-e-san-juan-jr/

*Ang mga komentaryo ay ayon sa pansariling opinyon at interpritasyon kung mayroon mang kapareho ng akda, walang intensyong angkinin ang nasabing akda*

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento