ika-11 ng Disyembre taong 2014
Ika’tlong Lingguhang papel:
[What is
Philosophy demonstrated in ancient Chinese Philosophy by Confucius in the way
he characterized the ideal human being?]
Sinanasabi na ang tao’y isa sa mga
pinakamataas na uri ng nabubuhay sa mundo, sapagkat may kakayahan itong
mag-isip o lumikha ng mga kakaibang bagay. Kung sa sagradong Bibliya ang ating
pagbabasehan, nakasaad rin na ang tao’y inatasan ng Diyos’ama na pangalagaan
ang kanyang mga nilikha. Matapos mabanggit ang mga ideyang nagpapatunay na ang
tao’y pinakamataas na uring nabubuhay, nasagi sa aking isipan ang isang tanong
na “Paano nga ba natin matatawag na tao ang isang nilalalang?”. Ang pagiging
ganap ay hindi lamang tumutukoy sa pagkakaroon ng kompleto at malusog na
pangangatawan, sa pilosopiya ni Confucius sa panahon ng sinaunang Tsina ay
kanyang binibigyang diin kung ano ang nasa sa isang tao (ideal human being),
ang pilosopiyang ito ay naglalayong maipaliwanag kung papaano nagiging ganap na
tao ang isang nilalang. Ayon kay Confucius, ang ganap tao’y may paninindigan,
katwiran, at puso na siyang binubuo ng isang tao.
Ang tao’ may paninindigan, ang isang
nilalang ay magiging isang ganap na tao kapag may sarili siyang prinsipyo na
pinaiiral sa kanyang aspeto. Ang prinsipyong ito’y naka-angkla parin sa kung
ano ang tama at siyang nararapat. Ang ganap na tao’y hindi nagpapadala sa mga
maling paniniwala na magbubunga ng kasamaan sa kanyang sarili at sa kanyang
nakapaligid-ligid. Ang kanyang prinsipyo ay isang matibay na pundasyon sa isang
istraktura, na sin’tibay ng isang blokeng simento na di’matitinag o matutumba
sa paghagupit ng anong bagayo. Kapag ang isang nilalang ay may paninindigan sa
kanyang prinsipyong tapat sa kung ano ang tama at nararapat, ang nilalang na
ito’y magkakaroon ng matibay na paniniwala sa buhay, na kahit sino ma’y hindi
ito magigiba.
Ang tao’y may katwiran, ang pagiging
makatwiran ay tumutukoy sa kakayahan ng isang nilalang na magpagwari-wari o
mapagnilay-nilayan ang mga bagay-bagay na makakaapekto sa kanyang hakbangin
patungo sa kanyang layunin. Ang layunin ng pagiging maktwiran ay naglalayong
maituwid ang mga paniniwala o mga hakbangin sa tuwing gagawa ng isang desisyon
o tutungo sa isang layunin. Kapag ang isang nilalang ay napagwawari ang mga
hakbanging ito, at isinagawa ang mga ito’y hindi magdudulot ng kanyang
kapahamakan. Sa kaisipang ito, alam niya kung ano ang tama sa mali at pipiliin
kung ano ang tama at nararapat.
Ang tao’y may puso, ang puso’y
tumutukoy sa kabutihan ng isang tao at tanglaw ang katotohanan ng mundo. Ang puso’y nagpapamalas ng kabutihan na
siyang isang esentsiyal sa isang tao, sa puso rin nakakubli ang tunay na
pagkatao ng isang tao. Nagiging isang templo o tahanan ito ng kaluluwa ng isang
pagkatao ng isang tao na nagtutulak sa’kanya na gumawa ng mabuti ayon sa
nararapat.
Matapos ang ilang pagpapaliwanag sa
mga kasangkapan ng isag nilalang
upang maging isang ganap na tao, na ang isang ganap na tao’y may paninindigan
na naglalayong pagtibayin ang prinsipyo, ang isang ganap na tao’y may katwiran
na tumutukoy sa pagwawari-wari sa mga hakbanging patungo sa isang mabuting
layunin, at sa huli ay ang ganap na tao’y may puso na tanglaw ang katotohanan
at nagtutulak sa isang tao na gumawa ng mabuti.