Lingguhang Papel sa Sinaunang Tsinong Pilosopiya:(huling pagpasa)
Ano ang pilosopiya sa
sinaunang tsinong pilosopiya sa paraan kung paano inilahad ang mga nabuong
solusyon ng Tawismo?
Ang Tawismo
(Taoism) ay naiiba at kung minsan pa ay taliwas pa sa aking paniniwala, ayon sa
Taowismo, sinasabi na ang Tawismo ay isang paraan ng pamumuhay ng isang tao sa
mundong ibabaw at ang Tao ay siyang naglalahad ng mga kinaugaliang prinsipyo
upang masolusyunan ang mga suliraning nagugat sa kaliksan o sa loob ng isang
sarili. Ayon sa Tawismo kinakailangang isaisip ng tao ang Tao bilang isang
paraan ng pamumuhay ng isang tao, at masolusyunan ang suliranin sa kalikasan ng
tao. Ayon sa Tawismo nararapat na maunawaan rin ng lubusan ng tao ang Tao,
upang maintindihan ang mga ito, inilahad ng Tawismo ang mga nabuong solusyon sa
suliranin ukol sa kalikasan ng sarili. Ang kataliwasan ng Tao ay sumasangayon
sa isa’t-isa, ang Tao ay ang pinagmulan, ang katotohanan ng Tao, at ang
pagpapahayag ng Tao.
Ang
kataliwasan ng Tao, sinasabi na kapag
ang dlawang bagay ay taliwas ay ibig-sabihn ay magkaiba, magkasalunat, o hindi
sa pagsasang-ayon. Ayon sa Tawismo ang kataliwasan ay siyang tumutukoy sa kung
ano ang ano halimbawa, malalaman ng tao kung ano ang tama sa mali, ang maganda,
sa pangit at iba pa, natutukoy ng tao ang alin sa alin sapagkat alam niyang iba
ang iba sa iba. Paano ito naging isang solusyon? Nagiging solusyon ang
kataliwasan sa isang suliranin kapag natutukoy ng tao ang tama sa mali, ang
mabuti sa masma, at ang maganda sa pangit, ngunit naka depende parin kung
papaano niya ito matutuonan ng pansin.
Ang Tao ay
ang pinagmulan, sinasabi na ang Tao ay walang simula at walang katapusan, ang
Tao ay laging gumagalaw kasabay ng panahon, ibigsabihin ang Tao ay laging
andito sa kasalukuyan kasama natin o sa hinaharap kasama ng ating mga anak o
mga apo, ang Tao ay laging nakaantabay sa’tin. Sa puntong ito, paano ito
nakakaresolba ng suliranin ng kalikasan ng tao? Nakakaresolba ito sa suliranin
sa kalikasan ng tao, sa pagsasaisip n gang Tao ay nasa lahat, sa puntong ito,
waring ang Tao ay isang Diyos na kung saan ay makikita maging sa kasalukuyan o
sa hinaharap man.
Ang
katotohanan ng Tao, ay parang isang walang lamang mangkok ngunit ito ay
pinagmulan ng mga bagay-bagay. Sa puntong ito ang Tao ay waring isang Diyos. Paano
ba ang kawalan at pinagmulan ay naging isang sulosyon ng suliranin? Nagiging
solusyon ang isang suliranin sa pagsasaisip na kahit ang Diyos ay hindi
mahahawakan o madarama ng balat-sa-balat ay tatandaan o dapat ay isaisip
mayroong Diyos sa kabila ng kanyang kawalan (in-flesh) ng katawan ay siya ay pinagmulan ng mga
dakilang bagay.
Ang
pagpapahayag ng Tao, ang Tao ay mapagkumbaba, sa puntong ito ang Tao ay isang
birtud na dapat ay umiiral sa isapan ng isang tao. Paano ba ito nagiging
solusyon sa suliranin sa kalikasan ng tao? Nagiging solusyon ito sa paraan ng
pagiging isang tubig, ayon sa aking propesor sa asignaturang ito, ang
pinakamalumanay sa mundo ay may kakayahang putulin ang isang asero, hindi ba’t
ang tubig ay isang malumanay na bagay sa mundo, at ayon rin sa aking napanood
sa isang programa ang tubig nga ay ginagamit sa isang pagawaan ng mga bagay na
gawa sa asero upang mahati o putulin ang asero. Sa puntong ito, kung ang tubig
ay kumakatawan sa kababaang loob at ang asero naman ay tumutukoy sa isang
suliranin, kaya masasabi nating ang kababang loob ay isang paraan upang
masulusyunan ang suliranin sa kalikasan ng tao.
Kung isasaisip
ang mga naturang solusyon, na nabuo ng Tawsimo ay maaring masulusyunan ang
suliraning tumutukoy sa kalikasan ng tao. Ngunit sa puntong ito ano ang
pilosopiya, ayon sa mga nailahad na mga solusyon ng Tawismo, ang pilosopiya ay
lahat o ang mundo, ang pilosopiya ay nasa mundo ang pilosopiya ay ang
pinagmulan ng mga bagay-bagay, ang pamimilosopiya ay ang pagtukoy sa kung ano
ang tama sa mali, ang pamimilosopiya ay walang simula at walang katapusan
dahail ang pilosopiya ay nasa mundo at gumagalaw ito kasabay ng panahon. At sng
pamimilosopiya ay isang malumanay na paraan upang mahanap ang katotohanan. Kung
gayon, ang Tao ba ay pilosopiya?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento