Lao Tzu: Unang lingguhang papel
- What is philosophy as
demonstrated in Ancient Chinese Philosophy in the way he perceives
the philosophical problem?
Ano
pilosopiya na ipinakita sa Sinaung Tsinong Pilosopiya ni Lao Tzu sa paglalahad
niya ng mga pilosopikong suliranin?
Ang
pilosopiya na ipinakita sa sinaunang Tsinong pilosopiya ni Lao Tzu, sa kanyang
paglalahad sa mga pilosopikong suliranin ay ang pagkamulat ng isa upang makita
ang karamdaman ng tao na humahantong sa isang suliranin kapag itoy hindi
nalapatan ng lunas o nabigyang solusyon.
Ang isang karamdaman ay tumutukoy sa isang di mabuting pakiramdam ng isa
na nagdudulot ng sakit, at mapapansin ang naturang karamdaman sa mga sintomas
nito. Nagiging isang suliranin sa hinaharap ang isang karamdaman kapag ito’y
di-nalapatan ng sapat at mabisang gamot o medisina na siyang lulunas sa isang
karamdaman. Ang kamulatan ng isa sa mga kaguluhan na dahilan ay ang karamdaman
na nagpapahirap sa tao. Sa puntong ito, ano nga ba ang pinagmulan ng karamdamang
ito at nagiging suliranin sa hinaharap at nagiging sanhi ng paghihirap ng tao?
Kapag ang tao’y naghahangad ng labis para sa isang bagay, kanyang gagawin ang
lahat upang makuha lamang ito, sa ganitong pananaw ang tao’y hindi nakokontento
sa kung ano ang nasa kanyang hapag, siya’y magkakandakuba sa paghahanap ng
paraan upang makamit lamang kanyang hinahangad. Sa puntong ito, ang labis na
paghahangad sa isang bagay ay isa sa nagpapahirap sa tao. Isang halimbawa nito
ay ang paghahangad ng kaalam, kapag ang tao’y naghahangad na maging marunong,
kanyang sisikaping malaman ang lahat ng bagay upang msabing siya ay marunong,
ngunit sa kanyang pananaliksik kinalauna’y sa kanyang mga nasaliksik siya ay
malilito, sa isang katuturang habang natutuklasan niya ang isang sagot sa
kanyang katanungan mayroong mga tanong na lumilitaw, nagiging suliranin ito sa hinaharap kapag ang tao'y walang katuturan ng pagigigng kontento hanggang sa siya'y makakagawa ng di mabuti sa kanyang kapwa, sa puntong ito’y ang
mananaliksik ay pinaparusahan an gang kanyang sarili sa kanyang labis na
paghahangad
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento