"Mandate of Heaven- Man's destiny both mortal and immortal depend, not upon the existence of the soul before birth or after death nor upon the whim of spiritual force, but upon his own good words and good deeds"
Sa aking pagbabasa sa aklat na may titulong "A Source Book in Chinese Philosophy" hingil sa Tsinong Pilosopiya, ay mayroong pahayag na humuli ng aking atensyon at napagtanto kong karapat-dapat itong pagnilayan. Ang pahayag na ito ay hinggil sa isang doktrinang binuo ng nagtatag ng "Chou", at tinawag na "The doctrine of the Mandate of Heaven" (isinalin sa wikang Ingles). Ang naturang doktrina ay tumutukoy sa isang kaisipan (maaring ibaling ang pagbabasa sa pahayag sa itaas na bahigi) na naglalayong ipaliwanag, na ang kapalaran ay hindi naka depende sa pagkakaroon ng kaluluwa o sa "kabog ng dibdib", sahalip ito ay naka depende sa kanyang pansariling salita at pansariling gawa.Sa naturang pahayag na naglalayung maipahiwatig na ang kapalaran ng isang indibiduwal ay hindi dumidipende sa pang-ispiritual na katangian ng tao o sa "kabig ng dibdib", at ang kanyang kapalaran ay naayon sa kanyang salita at gawa. Kung uunawin nga naman, ang salitang "tadhana" ay maaring hindi aayon sa kapalaran kung ang pagbabasehan ay ang natural na tadhana. Aang terminong natural na tadhana ay tumutukoy sa sinasabing "kapalaran ng isang nilalang sa mundong ibabaw o kaya'y ang isang indibiduwal ay magiging isang matalino sa kanyang paglaki (predestiny)". Hindi rin nakadepende ang "kabig ng dibdib" sa tadhana ng isang nilalang, maaring gagawa tayo ng mga desisyon na maari ring magbago sa'ting mga paniniwala o prinsipyo at minsan ay nababaling ang ating atensyon base sa "lukso ng dugo" at hindi napagwawari ang mga desisyon at unti-unting maliliwanagan ano nga ba ang epekto o resulta ng hakbang na inakala nating tama.
Matapos ang ilang oras na pagninilay, ay napagtanto kong mas mabuting paglaanan ng oras at panahon ang bawat hakbang na maaring magtulak sa aking kamalian dulot ng "kabig ng dibdib" o sa'king "natural na tadhana".

(all photos are from www.google.com,
no intentions to claim the said items)
At another naman any kinalaman into as aging pinag-aaralan?
TumugonBurahin