“The Master said, In the past men learned for themselves;
now men learn for others.”
-Analects 14:24
Ang pahayag
na nasa Analects aklat blg.4 bersikulo 24, ay nag papahayag ng ng isang
kaisipan patungkol sa pag-unlad ng isang indibiduwal ng dahil sa kanyag
natutunan na hindi lamang para sa pansariling kapakanan kung’di ay para rin sa
kanyang kapwa, na syang naglalayong mapag-unlad ang bawat isa. Halimbawa nalamang
nito ay ang isang guro sa departamento ng Pilosopiya sa’ming kolehiyo ay waring
nagging isang Ilustrado, nakipagsapalaran sa ibang bansa upang may bagong
kaalamang mahagilap at naglalayong ibahagi ang siyang natutunan sa mga
mag-aaral, na siya namang palalagoin at bubunga ng masaganang ani para sa
lipunan
Ngunit sa
aking pagtanto ako’y nababahala pagkat ang pahayag naito’y mayroong di’magandang
kahihinatnan kapag hindi lubusang naintindihan ng isang mambabasa. Maaring maging
isang linta ang isang indibiduwal sa kanyang kapwa o maghihintay nalamang na
ang kaalaman ay siyang lalapit sa kanya, at magdudulot ng kabaliktaran tunay na
layunin ng kaisipan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento