Pangalawang lingguhang papel:
“Edukasyon”
Sa nakaraang bahagi ay
natalakay kung ano nga ba ang mga suliraning pangpilosopiya na makikita sa
lipuna sa panahon ni Confucius sa Tsina. Ang mga suliraning ito’y waring
nagreresulta sa di’pagkakaunawaan ng bawat isa o maari nating tawaging kawalan
ng kaisahan, at nagbabadyang maging isang “kanser
ng lipunan” ang animo’y kawalan ng kaisahan sa lipunan na nakaayon sa
moralidad at etika. Upang malunasan ang “kanser”
kinakailangan ng mga medisina o mga gamaot na magpapagaling o lulunas sa
karamdaman ng lipunan. Si Confucius ay naghain ng mga solusyon upang malunasan
ang karamdaman sa lipunan at balang araw ay gagaling at maiiwasan ang sintomas
ng karamdamang humihila sa lipunan papalayo sa pagunlad. Paano nga ba inihain
ni Confucius ang mga solusyon sa suliranin sa lipunan? Sa sandaling panahong
pagninilay-nilay, napagtanto ko ang kahalagahan ng EDUKASYON, ito ma’y pormal o
di’pormal hanggat ito ay naglalayong hubugin ang puso, isip, at katawan ng
isang tao at hahantong sa pansariling kaunlaran patungo sa maunlad na bayan.
Sa paghubog ng puso’y
nagsisimula sa kung ano nga ba ang nasa puso ng isang tao, siya ba’y
naglalayong masunod kung ano ang tama at nararapat? Paano kung ang nararapat ay
hindi tapat sa prinsipyong nasa puso nino man, hindi ba’t mas mainam na kung
ano ang prinsipyong moral ay siyang nauuna kaakibat nito ang pagiging mulat sa
katotohanan? Ang prinsipyung moral ay tumutukoy sa isang prinsipyong nagingibabaw
sapagkat ito ay nasa puso at inaasahang ito ay magdidikta kung ano ang
nararapat. Sa pagdidikta ng prinsipyong ito, ay nararapat na nakaakibat ang
kamulatan ng puso sa katotohanan , sapagkat ang puso’y nanininlang kung minsan,
kapag mulat ito sa katotohanan ang puso ay nagkakaroon ng karunungan at
magiging higit pa sa inaakala nino man. Halimbawa nalamang, sa katauhan ni
haring Solomon na binigyang kahilingan ng dakilang Diyos ama, at si haring
Solomon ay hiniling ang karunungan sa halip sa mga kayamanan, kapangyarihan, at
kadakilaan, ang mismong kanyang kahilingan ang ay nagsisilbing isang susi sa
pagunlad ng nasasakupan. Isa ring
halimbawa ang suliranin ng dalawang ina sa isang bata nakung saan ay kuminang
ang dunong ni haring Solomon, sa mga halimbawa ay napapakita ang prinsipyong
moral ni Solomon sa kanyang nasasakupan.
Sa paghubog sa isipan
ng tao’y nagsisimula sa pagiging ganap (maturity) upang magkarron pagunlad sa
sarili at isipan na harapin ang katotohanan. Sa pagiging ganap ng isipan ay
nagsisimula sa pagka-makumbaba at tinatandaan na tayo ay nakadepende sa ating
paligid. Sa simula’t sapul ay nagkamulat tayo sa kanlungan ng ating mga
magulang, sa simula palang ay nakadepende na ang isang tao sa kanyang
pinanggalingan at sinusunod at tagubilin ng kanyang pinaggalingan. Masasabi
nating wala pang napapatunayan ang isang nilalang sapagkat siya parin ay
nakadepende parin sa kanyang kapaligiran sabi pa ng kanta “...kaya wag kang
magmayabang, na ika’y mautak at maraming alam, dahil kung susuriin at ating
iisipin katulad ng lahat ikaw ay tuldok din...”(Tuldok inawit ng bandang Asin).
Ang pagiging mapag-kumbaba at pagtanggap ng isang nilalang na siya ay isang tuldok sa kalawakan lamang, ay
gumagasolina sa’kanyang pusong umaalab na maghanap ng kanyang kabuluhan sa
mundong ibabaw. Kapag nahanap na ng isang nilalang ang kanyang kabuluhan, ay untiunti
siyang magiging ganap.
Sa paghubog ng katawan
ay alinsunod sa puso at isipan ng isang nilalang. Kapag nagkaroon ng
kongkretong prinsipyong moral ang isang nilalang kianalailangang subukan ito sa
ano mang paraan tulad nalamang ang pagiging mapagkawang-gawa na siya namang
igagalaw ng katawan na nakaayon sa prinsupyong moral. Nagiging mas mulat pa sa
mga pangyayari sa paligid ang isang indibiduwal kapag siya’y nagkaroon ng
dunong sa pagkakaroon ng kongkretong prinsipyong moral. Ang pagiging ganap naman
ay tumutulong sa isang nilalang na maghanap ng katotohanan at maging bukas ang
isipan patungo sa pansariling kaunlaran.
Ang edukasyon ay
naglalayong mahubog ang puso, isipan at katawan ng isang nilalang sa mundo. Ito
ay taliwas sa konsepto ng edukasyon sa kaslukuyan at noong panahon ng mga
sinaunang Tsino sa Tsina, na tumutukoy sa paglago ng negosyo o ano mang
material na isang kadahilanang nagtutulak sa isang nilalang na gumawa ng
kasamaan sa mundo na humahantong sa kawalan ng kaisahan o di pagkakaunawaan sa mundo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento