ika-15 ng Disyembre taong 2014: ikalabingpitong araw
[Ssu-ma Niu, worrying, said,
“All people have brothers but I have none.” Tzu-hsia said, “I have heard
[from Confucius] this saying: ‘Life and death are the decree of Heaven
(ming); wealth and honor depend on Heaven. If a superior man is reverential
(or serious) without fail, and is respectful in dealing with others and follows
the rules of propriety, then all within the four seas (the world) are
brothers.’ What does the superior man have to worry about having no
brothers?”]
-Analects 12:5
May tao bang walang kapatid? Ang mga winika ni Confucius ay nagpalubag sa aking damdamin na isang bugtong na anak na tulad ni Ssu-ma Niu na nababahalang na nag-iisa. Sa pahayag ni Confucius sinasabi na walang tao sa mundo na walang kapatid, ibigsabihin ay wala man akong kapatid na nanggaling sa iisang magulang ay mayroon parin akong kapatid sa iisang tagapaglikha. Paano ba makikilala ang aking mga kapatid? Ayon sa sinabi ni Confucius, upang makilala ang aking mga kapatid kung ako'y maging isang mabuting tao. Ang pagiging mabuti ay tumutukoy sa isang prinsipyong ginagawa na kung ano ang tama at ano ang siyang nararapat, kaakibat pa nito ang pagiging tapat at taos-puso sa paggawa kung ano ang tama at nararapat. Kung gayon, may kahirapan pala na makilala ang aking kapatid, sa panahong ito bihira ko nalamang magagawa kung ano ang tama at nararapat ng taos puso sapagkat hindi ko pa alam kung ano ang tama at ano ang nararapat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento