[Confucius said: “There are those who act without knowing (what
is right). But I am not one of them. To hear much and select what is good and
follow it, to see much and remember it, is the second type of knowledge (next
to innate knowledge)”]
-Analects 7:27
Sinasabi na kapag may dunong ang
tao’y, sadyang alam niya ang tama sa mali at pipiliin kung ano ang tama. Ang taong
may dunong ay alam kung ano ang kanyang ginagawa, pinagwawari-wari ang mga
bagay-bagay upang mapanatili ang katapatan sa kung ano ang tama, na siyang
magubunga nga kabutihan. Ang taong may dunong ay gising sa katotohanan at alam
kung ano ang nangyayari sa kapaligiran, kung sadyang gising ang kalooban isang nilalalang
at bukas ang kanyang mga mata at tanglaw ang katotohanan, hindi siya
mahihirapan sa mga mabibigat na desisyon na kanyang pagpapasyahan. Kung ating pagka-iisipin,
ang karunungan ay isang kakayahang ipinagkaloob ng buong maykapal upang tayo ay
makapag-wari, makapag-desisyon, at magawa ang nararapat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento